Ang Nyan Cat (dating tinawag na Pop Tart Cat) ay isang Internet meme na nagsimula bilang isang animadong larawang GIF ng pusang may katawan ng seresang Pop-Tart na lumilipad sa kalawakan at nag-iiwan ng bahaghari sa kanyang pinanggalingan. Ito rin ay ginawang bidyo sa YouTube na mayroong remix ng kantang "Nyanyanyanyanyanyanya!"[1]

Pinagmulan

baguhin

Animadong larawang GIF

baguhin

Ang orihinal na animation ay ginawa ng dalawampu't-limang taong gulang na si Christopher Torres ng Dallas, Texas. Ginagamit niya ang pangalang "prguitarman" sa kanyang website na LOL-Comics. Ito ay i-pinost noong 2 Abril 2011.[2] Sabi ni Torres sa isang interview: "I was doing a donation drive for the Red Cross and in-between drawings in my Livestream video chat, two different people mentioned I should draw a 'Pop Tart' and a 'cat'." Bilang pagtugon, gumawa siya ng pinaghalong imahe ng Pop-tart at pusa, na ginawang animadong GIF nang ilang araw ang nakalipas. Sabi niya: "Originally, its name was Pop Tart Cat, and I will continue to call it so, but the Internet has reached a decision to name it Nyan Cat, and I’m happy with that choice, too."[3]

Bidyo sa YouTube

baguhin

Ipinaghalo ni "saraj00n", isang tagagamit sa YouTube, ang animasyon ng pusa kasama ang isang bersiyon ng kantang "Nyanyanyanyanyanyanya!" na in-upload ni Nico Nico Douga "もももも" ("Momo Momo"), at in-upload niya ito sa YouTube noong 5 Abril 2011, at binigyan niya ito ng pamagat na "Nyan Cat".[1][3]

Ang Kanta

baguhin

Ang orihinal na kantang "Nyanyanyanyanyanyanya!", na ginawa gamit ang Vocaloid Hatsune Miku (初音ミク?), ay in-upload ni "daniwell"[4] sa Nico Nico Douga noong 25 Hulyo 2010.[5] Ang mga salita ng kanta ay tumutukoy sa salitang Hapon para sa mga ingay na ginagawa ng mga pusa, "nyā" (にゃあ).[6]

In-upload ni Momo Momo ang kanyang bersyon ng kantang "Nyanyanyanyanyanyanya!" sa Nico Nico Douga noong 31 Enero 2011.[7] Ang bersyon ni Momo Momo ay gumagamit ng singing synthesizer software na UTAU na mayroong boses na "Momone Momo" (桃音モモ), at inuulit nito ang salitang "nyan" sa kabuuan ng kanta.[8] Ang "Momone Momo" ay galing sa salitang kanji na "momo" , na nangangahulugang "peach", at "ne" , na nangangahulugang "sound".[9] Ang pinagmulan ng boses na ginamit upang likhain ang Momone Momo ay si Fujimoto Momoko (藤本萌々子?), isang babaeng Hapones na naninirahan sa Tokyo.[10]

Pagbuo muli

baguhin

Noong 2021, ang orihinal na tagalikha ng GIF, si Chris Torres, ay lumikha ng isa pang naisapanahong bersyon at ipinagbili ito sa halagang 300 ether, katumbas ang $ 587 000 USD sa oras ng pagbenta nito.[11]

Pagtanggap

baguhin

Popularidad

baguhin
 
Isang cosplay ng Nyan Cat

Ang Nyan Cat music video ay umabot sa ika-siyam na pwesto sa nangungunang sampung viral video ng Abril 2011 ng Business Insider, na mayroong 7.2 milyong pangkalahatang manonood.[12] Ang orihinal na Youtube video ay nakakuha ng mahigit 47 milyong manonood noong 15 Nobyembre 2011. Dahil sa kanyang kasikatan, maraming bagong remix at cover versions ang mga ginawa, na ang iba ay umaaabot ng ilang oras sa haba. mayroon ding mga ringtone, wallpaper, at application na nilikha para sa mga operating system kasama na ang Windows 7,[13] Nokia,[14] iPhone, iPad,[15] Android,[16] HP webOS,[17] at Windows Phone 7.[18]

Pinintasan ni Christopher Torres ang website na nyan.cat, dahil ito ay naglalaman ng pusang kamukha ni Nyan Cat at narito rin ang parehong-parehong background music. Ang site na ito, na gumagamit ng .cat sponsored top-level domain, ay inilarawan ni Torres na "plagiarized".[19][20]

Pansamantalang Pagtanggal ng DMCA

baguhin

Noong 27 Hunyo 2011, ang orihinal na YouTube video ay inalis dahil sa isang reklamong Digital Millennium Copyright Act galing sa isang taong sinasabing siya si prguitarman, ang gumawa ng GIF animation. Agad na tinanggihan ni Christopher Torres (prguitarman) ang pagiging pinagmulan ng reklamo, at nakipag-ugnay siya kina Saraj00n at daniwell, ang mga may-ari ng copyright para sa video at kanta, upang mag-file ng counter-complaint sa YouTube. Sa 28 Hunyo 2011, ibinalik ang tinanggal na video sa YouTube. Sa panahon na hindi mapanood ang video, nakatanggap si Torres ng hate mail galing sa mga taong mali ang paniniwala na siya ang may kagagawan ng DMCA takedown notice.[1][21]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Nyan Cat / Pop Tart Cat". Know Your Meme. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Pop Tart / Nyan Cat! by prguitarman on LOL-comics, Abril 2, 2011". Inarkibo mula sa orihinal noong Septyembre 8, 2012. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  3. 3.0 3.1 "POP Profile: The Guy Behind The Viral Phenomenon "Nyan Cat"". Pop goes the Week. Abril 19, 2011. Nakuha noong Oktubre 28, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "daniwell" is variously credited on the web as daniwellP and Daniwell-P; the account that uploaded the song "Nyanyanyanyanyanyanya!" uses the name daniwell.
  5. ニコニコ動画(原宿).【初音ミク】Nyanyanyanyanyanyanya!【オリジナループ】. From nicovideo.jp Hulyo 25, 2010. Retrieved Mayo 30, 2011.
  6. From Denshi Jisho. Dictionary definition of "nyā" (にゃあ). Retrieved Hunyo 2, 2011.
  7. ニコニコ国際交流".【UTAU】Nyanyanyanyanyanyanya!【桃音モモ】【ミクカバー】 ‐ ニコニコ動画(原宿). From nicovideo.jp, Enero 31, 2011. Retrieved Mayo 30, 2011.
  8. Nyan Cat hit 10M views Vocaloidism, Mayo 22, 2011. Retrieved Nobyembre 13, 2011.
  9. Momo Momone - UTAU Wiki Retrieved Nobyembre 13, 2011.
  10. Momone Momo Official Channel YouTube. Retrieved Nobyembre 13, 2011.
  11. https://gizmodo.com/one-of-a-kind-nyan-cat-gif-sold-in-crypto-art-auction-t-1846312536
  12. "Top viral videos of April: What's A "Nyan Cat"?". Mayo 3, 2011. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Brandrick, Chris (2011-07-13). "Nyan Cat Invades Windows 7, Dances Along Progress Bars". PCWorld. Nakuha noong 2011-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Nyan Cat on the Nokia Cell Phone". Pdadevice.com. 2011-07-02. Nakuha noong 2011-09-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Dredge, Stuart (Mayo 14, 2011). "Apps rush: Nutkin, Nyan Cat and more". The Guardian. London. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Galactic Nyan Cat for Android". Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Nyan Cat for HP webOS". Developer.palm.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-08. Nakuha noong 2011-07-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2014-10-21 sa Wayback Machine.
  18. "Nyan Cat strays into the Marketplace". wpcentral.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Septyembre 8, 2012. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong) Naka-arkibo August 29, 2012[Date mismatch], sa Wayback Machine.
  19. nyan.cat Retrieved Nobyembre 13, 2011.
  20. "Huy Hong: so tremendously humbled, thank you. Lies and thievery". prguitarman.tumblr.com. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 16, 2012. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "I did NOT file a Youtube Copyright Complaint". prguitarman.com. Hunyo 27, 2011. Nakuha noong Nobyembre 13, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin