O Que É Que A Baiana Tem?

Ang O que é que a baiana tem? (Tagalog: Ano ang mayroon ng babae mula sa Bahia?) ay isang awit na nilikha ni Dorival Caymmi noong 1939 at nirekord ni Carmen Miranda.

"O que é que a baiana tem?"
Nakasuot si Carmen Miranda ng damit-baiana sa eksena mula sa Banana da Terra na isinagawa ng Sonofilmes studio.
Awitin ni Carmen Miranda
WikaPortugues
Pamagat sa InglesAno ang mayroon ng babae mula sa Bahia?
NilabasAbril 1939 (1939-04)
TipoSamba
TatakOdeon (Brasil)
Decca (Estados Unidos)
Manunulat ng awitDorival Caymmi
O Que É Que A Baiana Tem? sa Banana da Terra

Nagpanatiling-buhay ang awit sa tinig ng Brasilyerang mang-aawit na si Carmen Miranda, na tumugtog ng samba na ito sa pelikulang Banana da Terra (1939) na idinerekta ni Ruy Costa. Bukod sa pelikulang Banana da Terra, itinanghal ni Miranda ang "O que é que a baiana tem?" sa Broadway na rebistang musikal na The Streets of Paris noong 1939 at 1940, at sa pelikulang Greenwich Village (1944).[1]

Mga banggit sa kalinangan

baguhin

Mula noong simula ng kanyang karera, tinigmak ni Dorival Caymmi ang kanyang bansa ng maindayog, romantikong pagkakakilanlan na bagay sa nakakaakit na heograpiya at mga mapanghalinang kababaihang naka-bikini ng Brasil. "O Que É Que a Baiana Tem?" ang kanyang unang at agarang kanta na sikat, na isinulat noong 16 taong gulang siya. Ang awit na iyan ang naging unang sikat na kanta ni Carmen Miranda, kung saan nagpasikat sa kanya ang kanyang litaw na binti't braso, maluhong sumbrero at masiglang tinig para maging pandaigdigang kahangaan bilang "Brazilian Bombshell". Noong 1996, sinabi ng pahayagang News From Brazil na tinuruan ni G. Caymmi si Bb. Miranda kung paano igagalaw ang kanyang mga braso at kamay sa musika, na naging tatak niya.[2]

Habang kinakanta ang "O que é que a baiana tem?" at alinsunod sa mga liriko ng awit, sinusuot ni Carmen kasuotan ng baiana, isang termino na may literal na kahulugang isang babae mula sa hilagang-silangang estado ng Bahia ngunit higit na tumutukoy sa Apro-Brasilyerang babae na nagbebenta ng pagkain sa mga kalye ng Salvador sa Bahia at Rio de Janeiro mula noong mga kolonyal na panahon, at sa mga saserdotista ng Apro-Brasilyerong relihiyon, Candomblé. Si Carmen, na nagtrabaho bilang isang baguhang gilingera at isang dalubhasang modista, ay nagdisenyo sa kanyang kasuotan mismo, kung saan nagdagdag siya ng mga kislap at isang maliit na imitasyong bakol ng prutas sa kanyang turbante, na mapaglarong pampansin sa mga bakol ng prutas ng mga tinderang kalye ng baiana sa kanilang ulo. Ang naka-istilong bersyon ng damit-baiana na may isang pinaikling blusa na nagpakita sa kanyang bamban, isang paldang masikip, bias-cut, at buong-haba (umiiwas sa mga mas kagalang-galang na blusang puting puntas at pasingsing na nagwas ng baianang tradisyonal), at ang pinakatanyag–isang turbanteng detalyadong pinalamutian, ay naging imaheng tatak ni Carmen para sa mga madlang internasyonal. Isinama ang mga parehong prinsipal na elemento sa mga kasuotan na nilikha para sa kanyang mga unang papel sa Hollywood, tulad ng mga isinuot niya sa Broadway at sa mga bahay-aliwang pagtatanghal sa Estados Unidos.[3][4]

Legasiya

baguhin

Noong 2009, pinili ang kanta para sa pagpapanatili sa Library of Congress. Nakatulong ang musika upang ipakilala ang ritmong samba at si Carmen Miranda sa madlang Amerikano.[kailangan ng sanggunian] Inaawit ni Daniela Mercury ang kantang ito sa kanyang 2009 album na "Canibalia" na kinabibilangan ng patikim ng orihinal na recording ni Miranda.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Morre Dorival Caymmi, aos 94". Veja. Agosto 16, 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 14, 2014. Nakuha noong Hunyo 4, 2019. {{cite news}}: Unknown parameter |deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Dorival Caymmi, Singer of Brazil, Is Dead at 94". The New York Times. Agosto 19, 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Directory of World Cinema: Brazil". Louis Bayman, Natália Pinazza. Marso 31, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Dance and the Hollywood Latina: Race, Sex, and Stardom". Priscilla Peña Ovalle. Marso 31, 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin