Obserbatoryong Yerkes
Ang Obserbatoryong Yerkes (Ingles: Yerkes Observatory) ay isang obserbatoryong pang-astronomiya na pinangangasiwaan ng Unibersidad ng Chicago sa Williams Bay, Wisconsin sa Estados Unidos. Ang obserbatoryong ito, na tumatawag sa sarili nito bilang "ang lugar ng kapanganakan ng makabagong astropisika,"[1] ay itinatag noong 1897 ni George Ellery Hale at tinustusan ng salapi ni Charles T. Yerkes. Isa itong representasyon ng isang pagbabago sa pag-iisip hinggil sa mga obserbatoryo, magmula sa kanilang pagiging nagbabahay lamang ng mga teleskopyo at mga tagapagmasid papuntas sa modernong diwa ng kasangkapang pang-obserbasyon na sinamahan ng puwang na panglaboratoryo para sa pisika at kimika.
Nasa Obserbatoryo ang pinakamalaking teleskopyong humihiwid (teleskopyong repraktoryo) na matagumpay na ginamit para sa astronomiya at mayroong isang kalipunan ng mahigit sa 150,000 mga putol ng mga larawan (mga potograpikong "plato"). Noong 2012[update], ang direktor ng obserbatoryo ay si Dr. Doyle "Al" Harper.
Mga teleskopyo
baguhinAng Obserbatoryong Yerkes ay pinakatanyag dahil sa teleskopyong repraktoryo nito na mayroong sukat na 102 mga sentimetro (40 mga pulgada) na binuo ng dalubhasang optisyanong si Alvan Clark. Ito ang pinakamalaking teleskopyong repraktoryo na ginamit para sa pananaliksik na pang-agham (isang mas malaking repraktor na pangdemonstrasyon o panghiwid na pampamalas, na tinawag na Ang Kahanga-hangang Teleskopyong Pang-eksibisyon sa Paris noong 1900, ay itinanghal sa Pandaigdigang Eksibisyon sa Paris noong 1900). Ang teleskopyong mas sukat na 40 mga pulgada ay itinanghal noong 1893 sa Eksposisyong Kolumbiyano ng Mundo sa Chicago, Estados Unidos bago italaga sa loob ng Obserbatoryong Yerkes.
Bilang dagdag sa repraktor ng Obserbatoryong Yerkes, ang obserbatoryong ito ay nagbabahay din ng mga teleskopyong replektoryo (teleskopyong nagpapaaninag o nagpapasalamin; nagbabalik ng liwanag) na mayroong mga sukat na 102 mga sentimetro (40 mga pulagada, na tinutukoy bilang "41 mga pulgada" upang maiwasan ang kalituhan) at 61 mga sentimetro (24 mga pulgada). Ginagamit ang ilang mas maliliit na mga teleskopyo para sa mga layunin ng pagpapaabot o pagbibigay ng edukasyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "websayt ng Obserbatoryo". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-03-17. Nakuha noong 2013-01-12.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-03-17 sa Wayback Machine.