Odoacer

dayuhang upahang mananandata sa Roma na noong taóng 476 ay nagwakas sa kapangyarihang Romahin at umagaw sa paghahari sa Italia

Si Odoacer (/ó-do wá-kər/ = "Bantay-Yaman"; 433 – 15 Marso 493; binabaybay rin na Odovacer o Odovacar) ay isang silanganing Gúta (o Ostrogothus) na noong taóng 470 ay isa nang dayuhang upahang mananandata sa Roma at noong taóng 476 ay umagaw sa kapangyarihan ng tagautos (o imperator) sa Roma na si Romulus Augustus at naging unang hari ng Italia.

Flavius Odoacer
Rex Italiae ("Hari ng Italia")
Dux Italiae ("Pinuno ng Italia")
Patricius ("Maginoo")

Larawan ni Odoacer sa salaping pilak noong kanyang kapanahunan sa Italia.
Hari ng Italia
Panahon 4 Setyembre 476 – 15 Marso 493
Sinundan Itinatag ang kaharian
Sumunod Theodericus
Asawa Sunigilda
Anak Thela
Ama Edeko
Kapanganakan c. 433[1]
Kamatayan 15 Marso 493 (60 taong gulang)
Ravenna, Kaharian ng Italia
Pananampalataya Kristiyanismo ni Arius

Si Odoacer ay nagmula sa kapaligiran ng kalagitnaan ng ilog Danubius. Siya ay taong silanganing Gúta (o Ostrogothus sa Latin) na lahing dayuhan sa Roma mula sa malayong hilagang-silangan ng Italia at pawang may sariling wika na hindi Latin. Siya ay umanib sa hukbo ng Lupon ng Matatanda at mga Taong Romahin (Senatus Populusque Romanus; /se-'ná-tus pó-pu-lus ku-e 'ro-'má-nus/). Kanyang pinatalsik ang Tagautos (Imperator) na Romahin na si Romulus Augustus at siya ay binansagang Hari ng Italia (rex Italiae) o Pinuno ng Italia (dux Italiae) mula taóng 476 hanggang 493.

Ang pagkapatalsik ni Odoacer kay Romulus Augustus ay itinuturing sa Europa na kaganapan ng pagwawakas ng kapangyarihang Romahin (imperium Romanum), baga ma't karamihan sa mga itinatag na katungkulan at kasaping tauhan ng nasabing pamahalaan ay ipinagpatuloy niya, katulad ng lupon ng matatanda (senatus) na tumatanggap sa kanyang paghahari.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Martindale 1980.