Ang Of Mice and Men, literal na "ng mga daga at mga lalaki (o kalalakihan)" o "ng mga daga at mga tao", ay isang novella o nobeleta (maiksing nobela) na isinulat ni John Steinbeck, isang may-akdang nagwagi ng Premyong Nobel sa Panitikan. Nailathala noong 1937, isinalaysay nito ang isang kalunus-lunos na kuwento hinggil kina George Milton at Lennie Small, dalawang nasisanteng mga manggagawang migrante sa isang rantso noong panahon ng Matinding Depresyon sa California, Estados Unidos.

Of Mice and Men
pabalat ng edisyong 1937
May-akdaJohn Steinbeck
Gumawa ng pabalatRoss MacDonald
BansaEstados Unidos
WikaIngles
DyanraNobeleta
TagapaglathalaCovici Friede
Petsa ng paglathala
1937
Mga pahina107

Batay sa sariling mga karanasan ni Steinbeck bilang isang palaboy noong dekada ng 1920 (bago ang pagdating ng mga Okie na matingkad niyang ilalarawan sa The Grapes of Wrath o "Ang mga Ubas ng Kapootan"), ang pamagat ay kinuha mula sa tula ni Robert Burns na "To a Mouse" (Sa Isang Daga), na mababasang nagsasabi ng ganito sa wikang Ingles: "The best laid schemes o' mice an' men / Gang aft agley" na may diwang "The best laid schemes of mice and men / Often go awry", na may ibig sabihing "Ang pinaka mahuhusay na nailatag na mga balakin ng mga daga at kalalakihan (o ng tao) / [ay] madalas na nagiging hindi maayos ( o hindi natutupad)".

Isang aklat na kailangang basahin sa maraming mga paaralan,[1] ang Of Mice and Men ay isang malimit na puntirya ng pagsensura ng mga manunuri dahil sa kabulgaran at sa itinuturing ng ilan bilang wikang nakapananakit ng damdamin o nakagagalit; dahil dito, lumitaw ito sa talaan ng Most Challenged Books of 21st Century (Pinaka Hinahamong mga Aklat ng Ika-21 Daantaon) ng American Library Association (Amerikanong Asosasyon ng Aklatan).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Stephen Maunder (Marso 25, 2011). "Who, what, why: Why do children study Of Mice and Men?". BBC News. Nakuha noong Marso 26, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "American Library Association Top 100 Banned/Challenged Books: 2000-2009". web page. American Library Association. 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 4, 2012. Nakuha noong Hulyo 1, 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

    Ang lathalaing ito na tungkol sa Nobela, Panitikan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.