Oligarkiya
Ang Oligarkiya (Griyego: Ὀλιγαρχία, Oligarchy) ay isang uri ng pamahalaan kung saan ang kapangayarihang pampolitika ay karaniwang nakasalalay sa isang maliit na pangkat ng mga piniling tao mula sa isang bahagi ng lipunan (maaaring pinagkaiba sa paraan ng kayamanan, pamilya o kapangyarihang pang-militar). Ang salitang oligarkiya ay mula sa mga salitang Griyego na nangangahulugang "kaunti" (ὀλίγον óligon) at "pamamahala" (ἄρχω arkho).
Oligarkiya, kamaharlikaan at plutokrasiya
baguhinSa kasaysayan, maraming mga oligarkiya ay bukas nagbigay ng kapangyarihang pampolitika sa isang pangkat na minoridad, na minsan ay nagtatalo na ito ay isang kamaharlikaan ("samahan mula sa 'pinakamagaling' at 'pinakamatalino'"). Ang ganung mga estado ay karaniwang kontrolado ng mga makapangyarihang pamilya kung saan ang kanilang mga anak ay ipinalaki at ipinatnubay upang mgaging mga tagapagmana ng kapangyarihan ng oligarkiya. Gayunpaman, ang kapangyarihang ito ay hindi rin maaaring gamitin nang bukas, kung saan ginugustuhan ng mga oligarko na panatilihin "ang kapangyarihan sa likod ng trono", kung saan gumagamit sila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga paraang pangkabuhayan. Noong nanguna si Aristoteles sa paggamit ng salita bilang isang singkahulugan para sa pamamahala ng mayayaman, kung saan ang eksaktong salita ay plutokrasiya, hindi palagi na ang oligarkiya ay ang pamamahala sa kayamanan, dahil maaari lamang na isang may-pribilehiyong pangkat ang mga oligarko.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.