Tungkol ito sa awitin ni Joan Osborne song. Para sa awitin ng ABBA, pumunta sa One of Us (awitin ng ABBA). Maghanap din sa One of Us (paglilinaw).

Ang "One of Us", literal na "Isa sa Atin" sa pagsasalinwika, ay isang awiting isinulat ni Eric Bazilian (ng The Hooters) at orihinal na inilibas ni Joan Osborne. Pagkalabas nito noong Marso 1995 sa album na Relish na nasa produksiyon ni Rick Chertoff, napunta ito sa mga patok na musikang nasa Top 40 noong Nobyembre ng taong iyon. Nagmula ang pamagat nito sa koro o refrain na "What if God was one of us?" o "Paano Kung ang Diyos ay Isa sa Atin?"

Sa likod ng pabalat ng 56 Best of Tunog Sikat non-stop (disko kompakto), binigyan ito ng pamagat na Larawan ng Diyos.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Larawan ng Diyos", One of Us, Unang Bahagi, 56 Best of Tunog Sikat non-stop, DYNA Products Inc., Philippines.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.