Operang Pang-estado ng Berlin

Ang Staatsoper Unter den Linden, kilala rin bilang Staatsoper Berlin (o Operang Pang-estado ng Berlin), ay isang nakatalang gusali sa bulebar Unter den Linden sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin, Alemanya. Ang bahay opera ay itinayo sa pamamagitan ng utos ng Prusong hari na si Federico II ng Prusya mula 1741 hanggang 1743 ayon sa mga plano ni Georg Wenzeslaus von Knobelsdorff sa estilong Palladiana. Nasira sa panahon ng pambobomba ng Alyado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dating Maharlikang Prusong Bahay Opera ay itinayong muli mula 1951 hanggang 1955 bilang bahagi ng plaza Forum Fridericianum. Tinaguriang Lindenoper sa Berlin, ito ay "ang unang teatro saanman na, sa kaniyang sarili, isang kilalang, malayang nakatayong monumental na gusali sa isang lungsod."[1]

Opera Estatal Unter den Linden
Staatsoper Unter den Linden
Isinunod ang pangalan kayBulebar Unter den Linden
Pagkakabuo1743; 281 taon ang nakalipas (1743)
Kinaroroonan
Coordinate52°31′00″N 13°23′41″E / 52.51667°N 13.39472°E / 52.51667; 13.39472
Matthias Schulz
Websitestaatsoper-berlin.de

Kasaysayan

baguhin

Mga pangalan

baguhin

Orihinal na tinawag na Königliche Oper (Maharlikang Opera) mula 1743, pinalitan ito ng pangalan bilang Preußische Staatsoper (Prusong Opera Estatal) noong 1919, pagkatapos ay bilang Deutsche Staatsoper noong 1955. Hanggang 1990, ito ay nagtataglay ng opera estatal ng Silangang Alemanya. Mula noong 1990, opisyal itong tinawag na Staatsoper Unter den Linden (Opera Estatal Unter den Linden).[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Michael Forsyth: Buildings for Music. The Architect, the Musician, and the Listener from the Seventeenth Century to the Present Day. MIT Press, Cambridge 1985, ISBN 978-0-262-06089-9, p. 104.
  2. "Homepage | Staatsoper Berlin". www.staatsoper-berlin.de.
baguhin

Padron:Berlin State Opera intendantsPadron:Berlin State Opera conductorsPadron:Visitor attractions in Berlin