Operasyon ng pagpapalit ng kasarian

Ang siruhiya (o operasyon) ng pagpapalit ng kasarian ay ang pagoopera ng ari kung saan pinapalitan ang ari ng lalaki at ginagawang katulad ng ari ng sa babae, o kaya pagpapalit ng ari ng babae at gawing katulad ng sa lalaki. Kapag binago ang ari ng lalaki sa ari ng babae, ang ari ng lalaki ay tinatanggal at ang balat dito ay binabaliktad, isang pagaspas para sa pagrereserba ng dugo at magbigay ng ugat para malabas ang isang puke. Habang nasa operasyon, ang iba ay nagpapa-hormone replacement therapy at nagpapatanggal ng mga buhok sa muka. Ang iba naman ay nagpapa- facial feminization surgery at iba pang mga paraan para lubusan maging mukang babae ang isang lalaki.

Kasaysayan

baguhin

Si Lili Elbe ang kinikilalang unang nakatanggap ng mga pasyenteng nais magopera ng ari sa Germanya noong 1930. Siya ay nakatanggap ng limang operasyon, ang isa ay sa penectomy at orchiectomy, ang isa ay inilaan para sa obaryo, ang dalawaay para matanggal ang obaryo pagkatapos ng transplant rejection at vaginoplasty. Gayunpaman, siya ay namatay pagkatapos ng tatlong buwan pagkatapos ng kanyang ika-limang operasyon. Si Christine Jorgensen ay ang pinakasikat sa mga nakaranas ng operasyon na ito. Ang operasyon ay naganap sa Denmark noong 1952. Siya ay may malakas na paninindigan sa mga karapatan ng mga bisexual na tao. Ang isa pang sikat na tumanggap ng operasyon na ito ay si Renee Richards. Naganap ang operasyon sa kanya noong 1970s at tagumpay siya sa paglabang sa mga tao na dumaan sa operasyon na ito na tanggapin ang kanilang bagong kasarian. Samantala, ang unang operasyon na ganito sa Estados Unidos ay naganap noon 1966 sa Johns Hopkins University Medical Center. Ang unang doctor na gumawa ng nasabing operasyon sa Estados Unidos ay si Dr. Elmer Belt. Pero tinigil din niya ang pagsasagawa ng mga operasyon noong huling parte ng 60’s.

Saklaw at pamamaraan

baguhin

Ang pinakakilalang surgery ay ang mga nagbabago ng itsura ng ari ng pasyente na kilala din bilang genital reassignment surgery or genital reconstruction surgery (GRS). Gayunpaman, ang kahulugan ng sex reassignment surgery ay nilinaw ng organisasyon ng mga eksperto sa medisina, ang World Professional Association for Transgender Health o WPATH, na mas palawakin pa ang mga paraan na isinasagawa bilang parte ng paggagamot sa "gender dysphoria", "transsexualism" o "gender identity disorder".

Ang lumalaking bilang ng mga pampubliko at pampribadong health insurance plans sa Estados Unidos ngayon ay naglalaman na ng mga benepisyo na may kaugnayan sa sex reassignment surgery tulad ng genital reconstruction surgery, chest reconstruction, breast augmentation, at hysterectomy. Noong Hunyo 2008, idineklara ng American Medical Association House of Delegates na ang pagbabalewala sa mga pasyenteng mayroong Gender Identity Disorder ay diskriminasyon. Sinabi din nila na sinusuportahan ng AMA ang mga pampubliko at pampribadong health insurance bilang parte ng paggagamot sa mga taong mayroong Gender Identity Disorder. Maraming iba pang organisasyon ay nagpahayag din ng katulad ng AMA, kasama na ang WPATH, American Psychological Association, at National Association of Social Workers.

Pagkakaiba sa pagitan ng trans women at trans men Ang uri ng surgery na isinasagawa sa pagpapalit ng ari ng mga kababaihan at kalalakihan ay naiiba sa ibat-ibang aspeto, sa kabila ng pangkasalukuyang kalinangan sa larangan ng medisina. Para sa mga kalalakihan na nais maging babae, ang pagpapalit ng ari ay natatamo sa pamamagitan ng pagputol ng ari ng lalaki at paggawa ng pwerta sa pamamagitan ng paglilipat ng mga sensational nerve endings sa balat ng tinanggal na ari samantalang sa kaso ng mga babaing nais maging lalaki, ang isinasagawang operasyon ay ang paglalagay ng ari ng lalaki. At sa parehong kaso, ang pagoopera ay maaari ding dagdagan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng orchiectomy or vaginectomy. Ayon sa WPATH, ang pagpapalit ng kasarian ay maaaring sumailalim sa iba’t ibang klase ng non-genital surgical procedures at alinman sa mga ito ay ikinokonsidera bilang “sex reassignment surgery” kapag isinagawa bilang isang parte ng operasyon.

Mga medikal na konsiderasiyon

baguhin

Ang mga taong may HIV at hepatitis C ay nahihirapan na makahanap ng doctor na magoopera sapagkat karamihan ay ayaw. Maraming surgeon ang nagoopera sa kanilang mga pribadong klinik lamang at hindi nila kayang akuin ang mga posibleng komplikasyon kung magopera man sila ng mga may ganitong sakit. Ang iba naming pumapayag na magopera sa mga taong mayroong HIV at hepatitis C ay naniningil ng mas malaking bayad at ang iba naman ay pinipiling itapon na ang mga ginamit na instrumento sa mga taong may sakit na nagpaopera. Ngunit para sa maraming propesyonal, ang pagtanggi sa mga nais magpaopera dahil lamang sa pagkakaroon ng HIV at hepatitis C ay kawalan ng pagkapropesyonal. Ang iba pang kondisyon tulad ng diabetes, abnormal blood clotting at obesity ay hindi naman nagkakaroon masyado ng problema sa paghahanap ng surgeon na marami ng karanasan. Ngunit ang kanilang kondisyon ay nagpapataas ng anesthetic risk at mga komplikasyon pagkatapos ng kanilang operasyon. Maraming surgeon naman ang nagpapayo sa mga overweight na pasyente na magbawas muna ng tibang bago sumailalim sa operasyon at ang mga naninigarilyo ay kailangang tumigil manigarilyo bago at pagkatapos ng kanilaang operasyon.

Mga resulta

baguhin

Maaaring magkaroon ng posibilidad na mabuntis ang mga transgender na nagpaopera kung mayroong magbibigay donasyon ng uterus na makakayang magdala ng isang sanggol sa sinapupunan na hindi naaapektuhan ang sanggol kahit na may anti-rejection drugs. Ang DNA ng donasyon na ovum ay maaaring palitan ng DNA ng nagpaoperang transgender. Sinasabing balang araw ay magiging possible na rin ito kahit walang gamitin na anti-rejection drugs.