Pulisya
Ang pulisya o kapulisan[1] ay isang pangkat ng mga taong may hanapbuhay o trabahong nangangalaga ng katahimikan at kaayusan, pagpapatupad ng batas, mag-imbistiga ng mga krimen, at pagbibigay ng proteksiyon sa publiko o madla. Tinatawag namang pulis ang isang taong nagtatrabaho para sa kagawaran o departamento ng kapulisan. Tinatawag ang kanilang tanggapan o himpilan bilang estasyon ng pulis o himpilan ng pulis.
May mga pook na tumatawag o naglalarawan sa tanggapan at serbisyo ng pulisya o pagpupulis bilang mga kabatas, na mga organisasyong nagpapatupad o tagapagpatupad ng batas, ahensiyang tagapagpairal ng batas, tagapagbigay-diin ng batas, o tagapagpasunod sa batas. Sa Ingles, kaugnay ito o katumbas ng mga pariralang law enforcer at law enforcement.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Pamahalaan at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.