Orkestra

(Idinirekta mula sa Orchestra)

Ang orkestra o orkesta[1](mula sa kastila orquesta) ay isang pangkat ng magkakasamang mga manunugtog o musikero tumutugtog ng mga instrumentong pangtugtog. Karaniwan silang tumutugtog ng tugtuging klasiko. Ang isang malakaing orkestra ay paminsan-minsang tinatawag na orkestrang simponiya, samantalang ang maliit na orkestra bilang orkestrang tsamber o orkestrang kamara. Ang orkestrang simponiya ay maaaring magkaroon ng nasa 100 mga manunugtog, habang ang orkestrang tsamber ay maaaring may 30 o 40 mga tagatugtog. Ang bilang ng mga manunugtog ay naaayon sa kung anong tugtugin o musika ang kanilang tinutugtog at sa sukat din ng lugar kung saan sila tumutugtog. Ang salitang "orkestra" o "orkesta" ay may kahulugang puwang na kalahating bilog na nasa harapan ng isang entablado sa tanghalan o teatro ng sinaunang Gresya, kung saan tumutugtog ang mga manunugtog at kung saan umaawit ang mga mang-aawit. Dahan-dahan nangahulugan ito bilang ang mga musikero mismo. Ang orkestra ay pinangangasiwaan o binibigyan ng direksiyon ng isang konduktor. Siya ang tumutulong sa mga manunugtog upang makatugtog ng magkakasama, upang makuha ang tamang timbang o timpla upang ang lahat ay marinig nang malinaw, at upang udyukin o himukin ang orkesta na tumugtog na may magkatulad na uri ng damdamin. Ilang maliliit na mga orkestra ang maaaring tumugtog na walang konduktor. Pangkaraniwan ito hanggang sa pagsapit ng ika-19 daantaon kung kailan ang mga orkestra ay naging napakalaki at nangailangan ng isang konduktor na gumagawa ng mga pagpapasya at tumatayo sa harap upang makita at masundan ng lahat ng mga manunugtog.

Ang Jalisco Philharmonic Orchestra

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Orchestra, orkestra, orkesta". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.