Konduktor ng musika

(Idinirekta mula sa Orchestral conducting)

Ang pagkokonduktor ay ang sining ng pangangasiwa, pamamahala, paggabay, o pamamatnubay ng isang kaganapang pangmusika sa pamamagitan ng nakikita at napagmamasdang mga kilos. Ang pangunahing mga tungkulin ng konduktor na pangmusika ay ang pagkaisahin ang mga manunugtog o tagaganap, ang itakda o italaga ang tiyempo o tulin ng tugtugin, ang magpatupad ng malinaw na mga paghahanda at mga kumpas, at ang makinig na nagsusuri at ang hubugin ang tunog ng pangkat ng mga manunugtog. Ang mga orkestra, mga koro, mga bandang pangkonsiyerto at iba pang mga pangkat na pangmusika ay kadalasang mayroong mga konduktor.

Nomenklatura

baguhin

Ang pangunahing konduktor ng isang orkestra o kompanya ng opera ay paminsan-minsang tinatawag bilang isang direktor ng musika o punong konduktor, o sa pamamagitan ng mga salitang Aleman na Kapellmeister o Dirigent. Ang katawagan para sa mga konduktor ng koro o mga korus ay paminsan-minsang tinatawag na direktor na pangkoro o maestro ng koro, partikular na ang para sa mga koro na may kaugnayan sa isang orkestra. Ang mga konduktor ng mga bandang pangmilitar at iba pang mga banda ay maaaring humawak ng pamagat na maestro ng banda (bandmaster) o tambol mayor (drum major). Ang iginagalang na nakatatandang mga konduktor ay paminsan-minsang tinatagurian sa pamamagitan ng salitang Italyano na maestro dahil sa pagiging "isang tao naging dalubhasa sa sining" ng musika.


   Ang lathalaing ito na tungkol sa Musika at Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.