Sina Oreb (Hebrew: עֹרֵב, Orev) at Zeb(Hebreo: זְאֵב, Z'ev) ay dalawang prinsipeng Madian (mga Madianita) na naging kalaban ng hukom na si Gideon sa Lumang Tipan ng Bibliya. Isang salitang Hebreo ang Zeb (Ingles: Zeeb) na nangangahulugang "asong bundok", samantalang mayroon namang ibig sabihing "uwak" ang pangalang Oreb.[1] Noong mga panahon ng mga Hukom, sinasalakay nina Oreb at Zeb ang Israel gamit ang mga kamelyo hanggang natalo sila ni Gideon (Hukom 7:20–25). Maraming Madianita ang nasawi kasama niya (Awit 83:12; Isaias 10:26). Sa kalunanan, sinasalamin nito ang kahalagaan sa pagpapatungkol sa mga tagumpay bilang simbolo ng kapangyarihan ng Diyos na pinamagitan niya sa kanyang piniling baya.[2]

Tinatawag na Bato ni Oreb ang lugar kung saan pinatay ni Gideon si Oreb pagkatapos matalo ang mga Madianita. Ito marahil ang lugar na tinatawag ngayong Orbo, sa silangan ng Jordan, malapit sa Bethshean. Pinatay si Zeb sa "pisaan ng alak ni Zeb". Pinagdududahan ang pagiging makakasaysayan ng mga pangalan, Sa kuro-kuro ni Coggins, nakakabit ang mga pangalan ng mga pinuno sa mga pangalan ng katangiang pang-heograpiya sa pagbabalik-tanaw.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Oreb, Zeb, Madian, Madianita". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 354-356.
  2. 2.0 2.1 Who's Who in the Bible, Richard Coggins, Batsford, London, p 122. 1981 ISBN 0-7134-0144-3