Ang Origami (折り紙, mula sa ori na may kahulugang "pagtitiklop", at kami na ang ibig sabihin ay "papel" (ang kami ay nagiging gami dahil sa rendaku) ay nakaugaliang Hapones na sining ng pagtutupi ng papel, na nagsimula noong ika-17 daantaon AD at naging tanyag sa labas ng Hapon noong kalagitnaan ng dekada ng 1900.[1] Magmula noon ay umunlad ito upang maging isang modernong anyo ng sining. Ang layunin ng sining na ito ay ang baguhin ang isang manipis na pilas ng papel upang maging isang ganap na eskultura sa pamamagitan ng mga tekniko sa pagtitiklop at paglililok, at bilang ganiyan ay ang paggamit ng mga paggupit at pandikit ay hindi itinuturing na origami. Ang paggupit ng papel at pagdirikit ay karaniwang itinuturing na kirigami.

Mga tagak na nalikha dahil sa sining ng origami.

Ang bilang ng basikong mga tupi sa origami ay maliit lamang, subalit maaari silang pagsama-samahin sa loob ng sari-saring mga paraan upang makalikha ng madetalyeng mga disenyo. Marahil ang pinaka kilalang modelo na pang-origami ay ang tagak na papel. Sa pangkalahatan, ang mga disenyong ito ay nagsisimula sa isang parisukat na pilas ng papel na ang mga gilid ay maaaring may magkakaibang mga kulay o mga tatak. Ang makatradisyong origaming Hapones, na isinasagawa magmula pa noong panahon ng Edo (1603–1867), ay madalas na hindi gaanong mahigpit sa mga kumbensiyong ito, na sa kung minsan ay ginugupit ang papel o gumagamit ng hindi parisukat na mga hubog upang makapagsimula.

Mga sanggunian Baguhin

  1. "Origami". Phys.org. Nakuha noong 9 February 2023.

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining at Hapon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.