Orlando Vallejo
Si Orlando Vallejo (ipinanganak sa Arroyo Naranjo, Kuba noong 30 Abril 1919 – namatay sa Miami, Estados Unidos noong 20 Enero 1981) ay isang Kubanong mang-aawit. Isa siya sa mga itinuturing na "dakilang bolerista" (magiting na mang-aawit sa estilong "bolero").[1]
Talambuhay
baguhinNakatanggap si Vallejo ng edukasyon mula sa Santiago de Las Vegas, sa Kuba, kung saan nag-umpisa siyang kumanta ng mga awiting pan-tanggo sa mga tanghalang popular, at gumanap bilang bokalista para sa orkestrang Ritmo Alegre. Pagkaraan nito nakiisa siya sa Sexteto Progreso, sa mga orkestrang Paulín, sa Quintana Melody Boys, sa mga orkestra nina René Touzet, Bebo Valdés, Sonora Matancera, Senén Suárez at Yoyo Casteleiro, sa orkestrang Orquesta Aragón, bilang kasama ni Luis Santí, sa orkestra ng Habana Casino, at sa Kuvavana at Casino. Habang nagaganap ang mga ito, nakapagsolo din siya at nakapagrekord o nakapagtala ng mga tugtugin sa ilalim ng tatak na Panart. Nakapagtanghal din siya sa maraming mga programang pangradyo at pantelebisyon, at nakapagpalabas din sa pang-gabing mga klab.[1]
Noong 1963, nilisan niya ang Kuba upang magpunta sa Estados Unidos.[1]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Orlando Vallejo[patay na link], soncubano.com
Mga kawing panlabas
baguhin- Orlando Vallejo: La voz melodiosa del bolero, Un amigo mio – Que murmuren, worpress.com (Kastila)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.