Ursus maritimus
Ang Ursus maritimus (Ingles: polar bear), ay isang malaking osong naninirahan sa Artiko. Unti-unti na itong nangangamatay dahil sa pag-init ng globo na nagdurulot ng pagkaunti ng yelo. Kaya't kapag lumalangoy ang mga polar bear, hindi sila nakapapamahinga, at nalulunod.
Ursus maritimus | |
---|---|
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Eukaryota |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Chordata |
Hati: | Mammalia |
Orden: | Carnivora |
Pamilya: | Ursidae |
Sari: | Ursus |
Espesye: | U. maritimus
|
Pangalang binomial | |
Ursus maritimus | |
Sakop ng polar bear | |
Kasingkahulugan | |
Ursus eogroenlandicus |
Kaanyuan
baguhinAng balat ng polar bear ay binubuo ng isang patong ng makapal na pang-ilalim na balat at isang panlabas na sapin ng pansanggalang na mga buhok, na lumilitaw na puti o may pagkakayumanggi subalit nanganganinag sa katunayan. Napapanatiling mainit ang kanilang pakiramdam dahil sa mabalahibong kabalatan.[3] Malalaksa sila at nakalalangoy din. Katulad ang kanilang sukat o laki sa isang pangkaraniwang oso ngunit may mas payat na leeg, mahahabang mga binti, at balahibo.
Buhay
baguhinKaramihan sa kanila ang karniboro o kumakain ng karne. Karamihan sa mga kinakain nila ang mga karnerong dagat at isda. Kapag naninila ang mga osong polar, kalimitan silang naghihintay sa mga butas sa niyebe, kung saan umaahon o sumisilip upang huminga. Namumuhay silang nag-iisa. Pumipiling sa kanilang mga ina ang mga batang polar bear sa loob ng 1.5–2.5 mga taon, at nagiging nasa hustong gulang na kapag 5–6 mga taon na. Iniisip ng mga tao na umaabot sa 25–30 taong gulang sa kalikasan ang mga osong polar, subalit umaabot ng 45 mga taon ang buhay kung nasa mga soo o katulad na pook.
Pagtatalik
baguhinNagtatalk ang mga lalaki at babaeng osong polo tuwing Abril o Mayo. Isinisilang ang osong tuta o sanggol na osong polo tuwing Disyembre kung kailan nasa proseso ng hibernasyon o namamahingang natutulog sa loob ng saglit napanahon ang ina nito. Nananatili sa lungga ang tuta na kapiling ang ina, at lumalabas na sila pagkaraan. Kailangan nilang kumain kaagad pagkatapos ng hibernasyon. Kung minsan, dahil sa pag-init ng globo, hindi ito maaari at namamatay ang mga tutang oso bago sila magkaroon ng pagkakataong mamuhay. Nililisan ng ina ang tuta pagsapit ng 2–3 mga taon.
Sanggunian
baguhinTalababa
baguhin- ↑ Schliebe et al (2008). Ursus maritimus. Talaang Pula ng IUCN ng mga Nanganganib na mga Uri. IUCN 2006. Nakuha noong 9 Mayo 2006. Kabilang sa database ang isang mahabang katwiran kung bakit nanganganib ang uring ito.
- ↑ Phipps, John (1774). A voyage towards the North Pole undertaken by His Majesty's command, 1773 /by Constantine John Phipps. London :Nilimbag ng W. Bowyer at J. Nicols, para kay J. Nourse. p. 185. Nakuha noong 2008-09-08.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lockwood, pp. 10–16
Bibliyograpiya
baguhin- Lockwood, Sophie (2006). Polar Bears. Chanhassen, MN: The Child's World. ISBN 1-59296-501-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)