Si Usermaatre Setepenamun Osorkon III Si-Ese ang paraon ng Ehipto noong ika-8 siglo BCE. Siya ang parehong Koronang Prinsipe at Dakilang Saserdote ni Amun na si Osorkon B na anak ni Takelot II s akanyang Dakilang Maharlikang Asawang si Karomama II. Si Prinsipe Osorkon B ay mahusay na pinatutunayan ng kanyang Kronika na binubyo ng mga sunod sunod na teksto na nagdodokumento ng kanyang mga gawain sa Thebes sa Portal na Bubastis sa Karnak.[1] Siya ay kalaunang naghari bilang haring Osorkon III sa Itaas na Ehipto sa loob ng 28 taon pagkatapos talunin ang kanyang katunggaling mga pwersa nina Pedubast I/Shoshenq VI na maliwanag na sumalungat sa authoridad ng kanyang ama dito. Pinamunuan ni Osorkon ang kanyang huling taon ng paghahari kasama ng kanyang anak na si Takelot III ayon sa Teksto ng Lebel ng Nilo Bilang 13.[2] Osorkon III's formal titulary was long and elaborate: Usermaatre Setepenamun, Osorkon Si-Ese Meryamun, Netjer-Heqa-waset.[3] Ang eksaktong petsa ng pag-akyat sa trono ni Osorkon III ay hindi alam. Ang iba't ibang mga Ehiptologo ay nagmungkahi na ito ay maaaring mula mga gitnang 790 BCE hanggang sa huli ng 787 BCE.[4] Ang isyu ay ginawang komplikado ng katotohanan si Prinsipe Osorkon B ay hindi agad na nagdeklara sa kanyang sarili na hari pagkatapos ng kanyang matagumpay na pananakop sa Thebes at pagtalo kay Shoshenq VI. Ito ay may ebidensiya na kanyang pinetsahan ang seminal na pangyayaring ito sa taong 39 ni Shoshenq III sa halip na taong 1 ng kanyang paghahari. Kaya si Osorkon ay maaaring naghintay ng minimum na isa o dalawang taon bago iproklama ang kanyang sarili na paraon ng nakabase sa Thebes na ika-23 dinastiya. Si Osorkon ay maaari ring natulak na talunin o papayapin ang anumang mga natitirang tagasuporta ng magkatunggaling paksiyon nina Pedubast I/Shoshenq VI sa ibang mga rehiyon ng Itaas na Ehipto kahit pa ito ay sa Elephantine, kanluraning disyertong rehiyong oasis kung saan si Pedubast I ay pinatunayan ng monumento o sa iba pa upang pagtibayin ang kanyang posisyon. Kaya ang taong 1 ni Osorkon III ay malamang na katumbas ng taong 1 o taong 2 ni Shoshenq IV sa halip na taong 39 ni Shoshenq III.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Caminos 1958.
  2. von Beckerath 1966:50.
  3. von Beckerath 1999:194, 195.
  4. Kitchen [1996]:§ 448.