Ang Oum Hadjer (Arabe: أم هاجر‎) ay isang maliit na lungsod sa Chad at kabisera ng departamento ng Batha Est. Ito ay matatagpuan sa pana-panahong Ilog Batha. Ito ay nasa pangunahing daan sa pagitan ng Khartoum at N'Djamena, at mayroon itong maliit na paliparan, Paliparan ng Oum Hadjer IATA: OUM.

Oum Hadjer

أم هاجر
Oum Hadjer is located in Chad
Oum Hadjer
Oum Hadjer
Kinaroroonan sa Chad (nakatampok ang Batha)
Mga koordinado: 13°17′40″N 19°41′29″E / 13.29444°N 19.69139°E / 13.29444; 19.69139
Bansa Chad
RehiyonBatha
DepartmentoBatha Est
Sub-PrepekturaOum Hadjer (أم هاجر)
Taas
1,180 tal (360 m)
Sona ng oras+1

Dahil sa estratehikong kinaroroonan nito, pinagtatalunan ito ng pamahalaan at ng mga hukbong manghihimagsik noong 1982, 1990, at Enero 2008.[1][2][3]

Pangalan din ang Oum Hadjer ng sub-prepektura kung saang nakapaloob ang lungsod. Ang populasyon ng buong Sub-Prepektura ng Oum Hadjer ay nasa 14,500 katao.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. New York Times article on 1982 rebel capture
  2. Boston Globe article on 1990 rebel capture
  3. "Romandie News article on January 2008 fighting". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2019-05-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.
  4. citypopulation.de