Ovidio
Si Publius Ovidius Naso (20 Marso 43 BCE – 17/18 CE), na mas nakikilala bilang Ovid lamang o kaya ay Ovidio at Publio Ovidio Nasón, ay isang Romanong makata na higit na nakikilala bilang ang may-akda ng tatlong pangunahing kalipunan ng panulaang erotiko: ang Heroides ("Kababaihang Bayani"), ang Amores ("Mga Pag-ibig"), at ang Ars Amatoria ("Sining ng Pag-ibig"), at pati ng Metamorphoses ("Mga Pagbabagong Anyo" o "Mga Transpormasyon"), isang tulang heksametro at mitolohikal. Nakikilala rin siya dahil sa Fasti ("Mga Pestibal") na hinggil sa kalendaryong Romano; at ng Tristia ("Mga Kalungkutan") at ng Epistulae ex Ponto ("Mga Liham mula sa Itim na Dagat"), dalawang katipunan ng mga tulang nasulat habang namamalagi sa Itim na Dagat pagkalipas na mapalayas siya mula sa kaniyang pook na pinaninirahan. Si Ovid ay may-akda rin ng ilang mas maliliit na mga piraso ng mga akda, ang Remedia Amoris, ang Medicamina Faciei Femineae, at ang mahabang tulang sumpa na Ibis. Inakdaan din niya ang isang nawawalang trahedya, ang Medea. Itinuturing siya bilang isang maestro ng elehiyako ng couplet, at nakaugaliang inihahanay sa piling nina Virgil at Horace bilang isa sa tatlong kanonikong mga makata ng panitikang Latin. Ang iskolar o dalubhasang si Quintilian ay itinuring siya bilang ang huli sa mga kanonikal na mga elehista ng pag-ibig sa Latin.[1] Ang kanyang panulaan, na marami ang gumagaya noong panahon ng Huling Antikwidad at noong Kapanahunang Gitna, ay tiyak na nakaimpluwensiya sa sining at panitikang Europeo, at nananatili bilang isa sa pinaka mahalagang napagkukunan ng mitolohiyang klasikal.[2]
Ovid | |
---|---|
Kapanganakan | 20 Marso 43 BCE (Huliyano)
|
Kamatayan | 17 (Huliyano)
|
Mamamayan | Sinaunang Roma |
Trabaho | makatà |
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Quint. Inst. 10.1.93
- ↑ Mark P. O. Morford, Robert J. Lenardon, Classical Mythology (Oxford University Press USA, 1999), p. 25. ISBN 0-19-514338-8 ISBN 978-0-19-514338-6
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Roma at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.