PBA Philippine Cup
Ang Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup ay isang turnamentong na hindi pinapayagan ang mga dayuhang manlalaro na maglaro. Bago ang Panahong 2004-05, ang turnamentong ito ay kilala bilang PBA All-Filipino Cup. Ang Philippine Cup ay kinukunsiderang pinaka prestihiyosong turnamento ng isang panahon ng PBA.
PBA Philippine Cup | |
---|---|
Tournament information | |
Mga buwan na ginaganap | January to May (during the 2019 season) |
Itinatag | 1975 |
Pormat | See tournament format |
Current champion | |
San Miguel Beermen (9th title) |
Ang kasalukuyang nagtatangol ng kampiyonato ay ang San Miguel Beermen.
Simula noong panahong 2006–07, ang Jun Bernardino Trophy ay ibinibigay sa mga nagkampiyon ng turnamentong ito. Ang tropeyo ay nagkakahalaga ng ₱500,000 at gawa sa 24-karat na gintong plate, na kung saan ito ay nasa posesyon ng nanalong koponan ng isang taon. Matapos nito ay bibigyan ang koponan ng replica ng tropeyo. Kung manalo ang isang koponan ng tatlong magkakasunod na Philippine Cup, magiging sa kanila na ang orihinal na tropeyo.[1] The trophy is named after former PBA commissioner Jun Bernardino.[2]
Sa kasaysayan ng liga, tanging ang San Miguel Beermen ang nakapagpanalo ng apat na sunod na All-Filipino conference na ginanap ng magkakasunod na taon (2014–15, 2015–16, 2016–17, 2017-18).
Lahat ng mga panahon ng PBA maliban noong 1981 at 1982 ay mayroong All-Filipino conference. Ang Panahong 1984 ay nagkaroon ng dalawang All-Filipino conference.
Talaan ng mga kampiyon
baguhinBawat panahon
baguhin* Dalawang turnamentong all-Filipino ang ginanap noong 1984.
Bawat prankisa
baguhinTotal | Koponan | Huling kampiyonato |
---|---|---|
8 | San Miguel | 2017–18 |
6 | Purefoods/Coney Island/San Mig Super Coffee | 2013–14 |
5 | Talk 'N Text | 2012–13 |
Crispa*/** | 1984 First | |
4 | Great Taste/Presto Tivoli* | 1990 |
3 | Añejo/Barangay Ginebra | 2006–07 |
Alaska | 2000 | |
1 | Sta. Lucia* | 2007-08 |
Coca-Cola* | 2002 | |
Shell* | 1999 | |
Sunkist* | 1995 | |
Tanduay* | 1986 | |
Toyota*/** | 1978 |
- * - Ang kampiyonatong All-Filipino noong 1975 at 1976 ay muling inuri bilang isang turnamentong may mga dayuhang manlalarosa kadahilanang binigyan ng pahintulot ng liga na magkaroon ng hindi Pilipinong manlalaro ang mga koponan.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ PBA to award perpetual trophy Naka-arkibo 2007-10-14 sa Wayback Machine.. The Manila Times. Published January 25, 2007.
- ↑ PHIL CUP PERPETUAL TROPHY NAMED AFTER BERNARDINO PBA.ph March 27, 2007