Padron:10Anibersaryo
Noong 1 Disyembre 2003, itinatag ang Wikipediang Tagalog bilang kauna-unahang Wikipedia sa isang wika ng Pilipinas. At ngayon, nais po namin kayong makasama sa pagdiriwang ng isang makasaysayang okasyon: ang aming ikasampung anibersaryo!
Inaanyayahan po namin kayo, mga mambabasa at bisita ng Wikipedia, na alamin ang kasaysayan ng proyekto at ang mga kuwentong humubog sa ating malayang ensiklopedya. Maaari niyo pong dalawin ang pahinang "Sampung taon ng Wikipediang Tagalog" para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming pagdiriwang, at kung paano kayo makakasali rito. Inaanyayahan po rin namin kayo na basahin ang aming paanyaya sa pamamatnugot at sumali sa tuluyang pagbuo ng Wikipediang Tagalog.
Sa ngalan po ng buong pamayanan ng Wikipediang Tagalog, maraming salamat po sa inyong walang-patid na suporta at pagtangkilik. Mabuhay po kayong lahat!