Padron:Napiling Larawan/Black Lives Matter
Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na 'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.
May-akda ng larawan: Rhododendrites