Padron:Napiling Larawan/Palaka
Ang palaka ay isang uri ng hayop na gumagawa ng tunog na kokak. Isa itong ampibyano (nabubuhay sa katihan at sa tubig) na walang buntot at madalas tumalon. Kabilang sa uri nito ang kakapsoy. Ipinagkakaiba ito sa mga karag dahil sa kanilang kaanyuan. May pagkakaibang ginagawa sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa pamamagitan ng kanilang anyo, na inudyok ng pagpunta ng mga karag sa tuyong mga kapaligiran o tirahan. Marami sa mga karag ang may parang katad na balat para sa mas mainam na pagpapanatili ng tubig sa kanilang katawan, at kulay na kayumanggi para sa kakayahang magtago o magkubli. Mahilig din silang maghukay o maglungga para ibaon o ikubli ang sarili. Subalit hindi maaasahan na indikasyong sukatan ng mga ninuno nito ang mga adaptasyon o katangiang ito, dahil sinasalamin lamang ng taksonomiya ang ugnayang pang-ebolusyon o ng kanilang pag-unlad bilang hayop. Walang halaga ang anumang kaibahan sa pagitan ng mga palaka at mga karag sa kanilang klasipikasyon. May-akda ng larawan: Geoff Gallice ng Gainesville, Florida, Estados Unidos.