Padron:Napiling Larawan/Soro
Ang soro ay isang hayop na kabilang sa kahit anumang isa sa 27 mga uri (labindalawa lamang sa mga ito ang tunay na kabilang sa saring Vulpes, o "mga totoong soro") ng maliliit hanggang hindi kalakihang mga canid, na karaniwang may mahahaba ngunit makikitid na mga nguso, at mapalumpong na mga buntot. Sa ngayon, pinakakaraniwan at pinakalaganap ang mga uri ng sorong tinatawag na pulang soro (Vulpes vulpes), bagaman may iba't ibang mga uring matatagpuan sa halos lahat ng mga kontinente. Nagbunga ang pagkakaroon ng mga wangis-sorong mga karniboro sa kabuoan ng globo sa paglitaw nila sa mga tanyag na kalinangan at mga kuwentong-bayan ng maraming mga nasyon, tribo, at ibang pangkat pangkalingan. Ipininta ni W. Kuhnert at ikinarga ni Citron.