Padron:NoongUnangPanahon/12-27
Disyembre 27: Araw ng Konstitusyon sa Hilagang Korea; Araw ni Santo Esteban sa Simbahang Ortodokso
- 537 — Natapos na ang pagpapagawa sa Hagia Sophia (nakalarawan).
- 1831 — Sinimulan na ang paglalakbay ni Charles Darwin sa kanyang HMS Beagle, na kung saan magagawa niya ang teorya ng ebolusyon.
- 1911 — Unang kinanta ang "Jana Gana Mana", ang pambansang awit ng India, sa Sesyong Calcutta ng Pambansang Kongreso ng India.
- 1945 — Naitatag ang World Bank at Pandaigdigang Pondong Pananalapi na may 29 na bansa ang pumirma sa kasunduan.
- 1978 — Naging demokrasyang pamahalaan ang Espanya matapos ang 40 taong diktaturya.
Mga huling araw: Disyembre 26 — Disyembre 25 — Disyembre 24