Padron:NoongUnangPanahon/12-29
Disyembre 29: Araw ng Konstitusyon sa Ireland; Araw ng Kalayaan sa Mongolia
- 1845 — Naging ika-28 estado ng Estados Unidos ang Republika ng Texas, na naging malaya pagkatapos ng Rebolusyong Texas noong 1836.
- 1911 — Naging Probisyonal na Pangulo ng Republika ng Tsina si Sun Yat-sen (nakalarawan) matapos manalo sa botohan sa Nanjing.
- 1911 — Lumaya ang Monggolya mula sa Dinastiyang Qing.
- 1934 — Itinakwil ng Japan ang Tratadong Nabal sa Washington noong 1922 at ang Tratadong Nabal sa London noong 1930.
- 1998 — Humingi ng tawad ang mga pinuno ng Khmer Rouge sa nagawa nilang henosidyo noong 1970 na pumatay sa mahigit 1 milyong buhay.
Mga huling araw: Disyembre 28 — Disyembre 27 — Disyembre 26