Padron:UnangPahinaAlam

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Lunop han Dughan folktale about Mt Danglay.jpg
  • ... na ang Kaesong, Hilagang Korea ay ang tanging lungsod na nagbago ang mayhawak kasunod ng Kasunduan ng Armistisyo ng Korea noong 1953?
  • ... na ang sarsuwelang Lunop han Dughan - Panaghoy ni Yolanda ay ginugunita ang mga pumanaw dahil sa pananalasa ng super bagyong Yolanda?
  • ... na patuloy na tumatanggi ang pamahalaan ng India na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras na ngayo'y nasa isang Pamantayang Oras ng India?
  • ... na unang nagkaroon ng problema si Aman Dangat sa mga awtoridad ng Espanya noong mga panahon na inilipat ang mga tagabaryo ng Sabtang at Vuhus sa San Vicente at San Felix sa bayan ng Ivana noong 1785 sa panahong pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
  • ... na binago ang pangalan ng kabisera ng Kazakhstan sa Nur-Sultan mula sa dating Astana noong Marso 2019?