Padron:UnangPahinaArtikulo/Abestrus
Ang ostrich o abestrus (Struthio camelus) ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na species ng kanyang mag-anak, Struthionidae, at ng genus na Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayrrong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.
Karaniwang umaabot sa 90 kg hanggang sa 130 kg (200 to 285 libra) ang timbang ng mga abestrus, bagaman naitalang umabot sa 155 kg (340 libra) ang timbang ng ilang mga lalaking abestrus. Halos itim ang balahibo ng mga matatandang abestrus, ngunit may kulay puti sa balahibo at buntot nito.
Mga kamakailan lamang napili: Kasaysayan ng Pilipinas - Karagatang Pasipiko - Keso