Si Boa Kwon (Hangul: 권보아, Hanja: 權寶兒, Kwon Boa), na mas kilala rin sa palayaw na BoA, na retroakronimo ng Beat of Angel, ay isang Koreanang mang-aawit at mananayaw na aktibo sa Timog Korea, Hapon, at Estados Unidos. Ipinanganak siya at lumaki sa Gyeonggi-do na Romano Katoliko, natuklasan si BoA ng mga ahenteng pangtalento na SM Entertainment noong sinamahan niya ang nakatatanda niyang kapatid na lalake sa isang talent search. Makalipas ang kanyang dalawang taon ng pagsasanay, inilabas niya ang kanyang kauna-unahang Koreanong album, ID; Peace B, sa ilalim ng SM Entertainment. Makalipas ang dalawang taon, inilabas naman niya ang kanyang kauna-unahang Hapones na album, Listen to My Heart, sa ilalim ng Avex. Noong 8 Oktubre 2008, sa ilalim ng SM Entertainment USA, isang sangay ng SM Entertainment, inilabas naman ni BoA sa Estados Unidos ang kanyang sinsilyong "Eat You Up" at inilabas ang kanyang kauna-unahang Ingles na album, BoA noong 17 Marso 2009.