Padron:UnangPahinaArtikulo/Thoukydidis
Si Thoukydidis (c. 460 BC – c. 395 BC) (bigkas /Thu.ki.dí.dis/, Ellinika Θουκυδίδης, Thoukudídēs; Ingles: Thucydides) ay isang Ellines na historyador. Isinulat niya ang Kasaysayan ng Digmaang Pelopónnisos, na isinalaysay ang digmaan sa pagitan ng Lakedaimon (Sparti) at Athina noong ika-5 dantaon B.K. hanggang 411 B.K. Si Thoukydidis ay tinawag na ama ng “maka-agham na kasaysayan” dahil sa kanyang mahigpit na pamantayan sa pangangalap ng mga ebidensiya at pagsusuri ng mga dahilan at bunga nang hindi bumabanggit sa pakikialam ng mga kinikilala nilang diyos noong panahong iyon.