Pag-atake sa Lahore noong Mayo 2010

Ang Pag-atake sa Lahore noong Mayo 2010 ay naganap noong 28 Mayo, 2010 sa Lahore, Punjab, Pakistan sa kasagsagan ng pananalanging pang-Biyernes. Dalawang moske ng minoryang sekta ng Ahmadi ang inatake sa isang sitwasyon ng pagpiprenda mataposa ng pamamaril at pagpapasabog ng granada[3][5]. Hindi bababa sa 39 ang namatay sa dalawang pag-atake[3].

Pag-atake sa Lahore noong Mayo 2010
LokasyonLahore, Pakistan
Petsa28 Mayo 2010 (UTC+5)
Uri ng paglusobGrenades & Firing
Namatay30+
Nasugatan40+[1][2][3]
SalarinPakistani Taliban (Lalawigan ng Punjab)[4]

Pag-atake

baguhin

Initsa ng mga umatake ang granada at saka nagpaputok sa dalawang moske ng minoryang sekta ng Ahmadi sa magkaibang pamayanan. Sa mga panahong iyon abala naman ang mga pwersa ng seguridad sa pakikipagpalitan ng putok sa mga umatake sa labas ng isang moske sa distrito ng Garhi Shahu.[4][6]

Mabilis lamang ang pag-atake sa Moske ng Model Town subalit hindi bababa sa 20 ang naiulat na namatay rito[7].

Responsable

baguhin

Naiulat na ang sangay sa Lalawigan ng Punjab ng Pakistani Taliban ang responsable sa pag-atake[2].

Mga sanggunian

baguhin