Pagbangkulong ng Berlin

Ang Pagtulong sa Berlin Mula sa Himpapawid (Ingles: Berlin Airlift) ay ang patakarang ginawa ng Estados Unidos, Britanya, Pransiya at iba pang mga kaalyado nitong bansa matapos ang pagpapatupad ng Unyong Sobyet sa Pagbangkulong ng Berlin (Ingles: Berlin Blockade) upang hindi makapasok ang suplay ng pagkain at iba pang pangangailangan sa Kanlurang Berlin. Ginawa ni Stalin ang blockade upang sa ganun mapilitan ang mga taga-Kanlurang Berlin na magpasakop sa kapangyarihan ng Sobyet.

Nagsimula ang pagbabangkulong noong 1948, kung saan hinaharang ang lahat ng kargamento na nagdadala ng suplay sa Kanlurang Berlin. Upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan sa Kanlurang Berlin, inisip ng mga alyadong bansa na ipadala ang mga suplay sa pamamagitan ng eroplano. Bagaman mahirap sa bandang una, dumating sa punto na ang suplay na naipapadala sa eroplano ay humigit pa sa mga suplay na naidadala sa lupa bago nagsimula ang pagbangkulong.

Noong Mayo ng 1949, itinigil ni Stalin ang pagbabangkulong at pinahintulutan na ang pagdadala ng suplay sa pamamagitan ng lupa.


AlemanyaKasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.