Pagbobolang-niyebe

Ang Pagbobolang-niyebe o Paghuhulog-niyebe (Ingles: snowballing o snowdropping[1]) ay ang gawaing pampagtatalik ng tao kung saan ang isang tao ay kumukuha o nagsusubo ng semen o tamod ng ibang tao papunta sa kanyang bibig at pagkaraan ay ipapasa itong pabalik sa bunganga ng katalik na iyon, karaniwang sa pamamagitan ng paghahalikan.[2][3][4][5]

Gawain ng pagbobolang-niyebe sa pagitan ng isang babae at isang lalaki.

Ang katawagan ay orihinal na ginagamit lamang ng mga homoseksuwal.[1] Ang mga mananaliksik na nagtanung-tanong sa mahigit sa 1,200 na mga lalaking homoseksuwal o biseksuwal sa mga kaganapang pampamayanan ng LGBT sa New York, Estados Unidos noong 2004 ay nakatuklas na nasa bandang 20% ang nagsabing nagkaroon sila ng isa o mahigit pang pagkakataon na nakilahok sa "paggawa ng bolang niyebe".[6] Sa mga magkakaparehang heteroseksuwal, ang isang babaeng nagsagawa ng fellatio (pagsubo sa titi) ay maaaring magluwang pabalik ng semen sa bibig ng kanyang katalik, na may halong laway; ang magkatalik ay maaari nang magpasahan ng pluwido ng ilan pang mga ulit, upang lalong lumaki pa ito, kaya't tinawag na snowballing sa Ingles.[4][5] Maraming mga lalaking heteroseksuwal ang hindi komportable (hindi nagiginhawahan) o naaalangan o nasasagwaan sa gawaing ito.[4][5]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Eric Partridge (2007). Tom Dalzell, Terry Victor (pat.). The concise new Partridge dictionary of slang and unconventional English. Routledge. p. 600. ISBN 0415212596, 9780415212595. {{cite book}}: Check |isbn= value: invalid character (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Dalzell, Tom; Terry Victor (mga editor) (2006). The New Partridge Dictionary of Slang and Unconventional English. Abingdon, Oxon: Routledge. p. 1807. ISBN 0-415-25938-X. Nakuha noong Disyembre 7, 2008. {{cite book}}: |author2= has generic name (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)p
  3. Marx, Eve (2004). "Answers to It's all how you say it: sexual slang". What's Your Sexual IQ?. New York: Citadel Press. p. 90. ISBN 0-8065-2610-6. Nakuha noong Disyembre 7, 2008.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 Savage, Dan (Abril 24, 2003). "Snowballing". Savage Love. Inarkibo mula sa orihinal noong Hunyo 25, 2013. Nakuha noong Disyembre 7, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 Savage, Dan (Oktubre 7, 1999). "Urine Love". Savage Love. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 18, 2013. Nakuha noong Disyembre 7, 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Grov, Christian; Jeffrey T. Parsons, at David S. Bimbi (Agosto 2010). "Sexual Compulsivity and Sexual Risk in Gay and Bisexual Men". Archives of Sexual Behavior. Springer Netherlands. 39 (4): 940–9. doi:10.1007/s10508-009-9483-9. ISSN 1573-2800. PMC 2890042. PMID 19308715.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)