Pagdidisenyo ng Trabaho

Disenyo ng Trabaho o job design - ito ay pagbibigay linaw sa kung paano magagawa ang isang trabaho at ano-ano ang mga gawang dapat matapos.

May apat na paraan kung papaano bubuo ng magandang trabaho: 1. disenyong pang-kahusayan [efficiency]; 2. disenyong pang-ganyak [motivational]; 3. Ergonomics; at 4. disenyong pang-kaiisipang kapasidad [mental capacity].

Disenyong pang-kahusayan, ito ay paghahanap ng proseso kung saan magagawa ang trabaho sa pinakamatipid na paraan. Ang layon ay makapagbigay ng pinakamalaking resulta sa pinakamaliit na puhunan. Ang puhunan ay hindi laging pinansiyal, maaring ito ay oras, gamit, atbp. Ito ang nagpausbong sa larangan ng industrial engineering, kung saan ang pinatutunguhan ay paghahanap ng pinakasimpleng paraan ng paggawa para mapalabas ang pinakamagandang resulta.

Ang disenyong pang-ganyak naman ay naniniwala na ang pagiging epektibo nang trabahador ay nasa pagkagusto nitong magtrabaho. Ayon sa Job Characteristics Model ni Richard Hackman at Greg Oldham, may 5 bagay na kinakailangang isaalang-alang para makagawa ng nakakaganyak na trabaho: 1. Skill Varayti - lawak ng mga kasanayang gagamitin para sa isang trabaho. Maaring pagsama samahin ang mga magkakalapit na gawain para maging mas kaenggaengganyo ang pagtatrabaho. 2. Task identiti - antas kung saan makikita ang kontribusyon sa "kabuuang" trabaho. 3. Task significance - antas kung saan makikita ang importansiya ng trabaho sa pag-abot ng layunin ng organisasyon. 4. Autonomi - layo kung saan hinahayaan ang trabahador na magdesisyon para sa kanyang sarili. Tulad ng pagdedesisyon kung paano gagawin ang isang bagay at kung paano masasabing maganda o maayos ang pagkakagawa dito. 5. Feedback - antas ng bilis ng pagtanggap ng katugunan kung ang trabaho ay naging maganda o pangit, o kung ano mang komento ang nasabi dito.

Job Enlargement - pagpapalawak ng trabahong dapat magawa. Job Extension - pagdadagdag ng gawain na magkakatulad. Job Rotation - pagpapalitan ng trabaho para lumawak ang kasanayang ginagamit. Job Enrichment - pagbibigay ng dagdag na kapangyariha para sa pagddedesisyon sa trabaho.

Ergonomics, pag-aaral ng relasyon ng pangangatawan ng trabahador at kalagayan ng lugay ng gawaan. Dito isinasaayos ang trabaho para maging mas hindi nakapapagod sa mga nagtatrabaho.

Disenyong pang-kaiisipang kapasidad, ito naman ay ang pagpapadali ng trabaho para mabawasan na nang pag-iisip ang trabahador. Halimbawa nito ang paglalagay ng kompyuter sa mga kahera para hindi na nila kakailanganin pang magkompyut tuwing may magbabayad sa kanila.

Batayan: Noe, Raymond A., Hollenbeck, J., Gerhart, B., Wright, P., (2010). Fundamentals of Human Resource Management 3rd Ed.. McGraw-Hill International Edition