Pagguho ng Panahong Bronse

(Idinirekta mula sa Pagguho ng Panahong Tanso)


Ang Pagguho ng Panahong Bronse ang paglipat ng rehiyong Aegean, Timog kanlurang Asya at Silangang Mediterraneo mula sa Huling Panahong Bronse tungo sa Simulang Panahong Bakal na itinuturing ng mga historyan na marahas o bayolente, biglaan at magulo. Ang ekonomiyang palasyo ng rehiyon Aegean at Anatolia na katangian ng Huling Panahong Tanso ay napalitan pagkatapos ng pamamahinga ng mga hiwalay na kultura ng mga Panahong Madilim na Griyego. Sa pagitan 1206 BCE at 1150 BCE, ang pagguhong pangkultura ng mga Kahariang Mycenean, imperyong Hittite sa Anatolia at Syria at ang Bagong Kaharian ng Ehipto sa Syria at Canaan ay gumambala sa mga rutang kalakalan at labis na nagpabawas ng literasya. Sa unang yugto ng panahong ito, ang halos bawat siyudad sa pagitan ng Pylos at Gaza ay bayolenteng nawasak at kadalasan ay iniwang hindi natitirhan pagkatapos nito. Ang mga halimbawa ay kinabibilangan ng Hattusa, Gresyang Myceneo at Ugarit. Ang unti unting pagwawakas ng Panahong madilim na nagresulta ay nakakita ng unti unting pagahon ng mga estadong tinirhan sa Cilicia at Syria, mga kahariang Arameo ng gitnang ikasampung siglo BCE sa Levant at ang kalaunang pagakyat ng Imperyong Neo-Asirya.

Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.