Pagibang Damara
Ang Pagibang Damara ay isang pagdiriwang sa San Jose City, Nueva Ecija kung saan ipinagdiriwang ng mga tao na nagpasalamat sa isang mabuting ani alinsunod sa kanilang pagdiriwang ng Lungsod Fiesta sa ikalawa o ikatlong linggo ng Abril sa bawat taon.[1]
Kasaysayan
baguhinAng damara ay isang salitang Tagalog para sa isang kanlungan o isang libong na gawa sa kawayan at nipa na itinatayo sa mga palayan bilang proteksyon sa mga magsasaka mula sa araw o ulan sa panahon ng pagtatanim at pag-aani.[2] Ang mga magsasaka at panginoong maylupa lalo na sa lungsod ng San Jose maraming taon na ang nakalilipas ay nagtatayo ng kanlungan na ito bago ang panahon ng pagtatanim at binubuwag nila (ginigiba) ito pagkatapos ng oras ng pag-aani habang pinagdiriwang nila ang masaganang ani. Dito nakuha ng salitang Pagibang Damara (na handang ibuwag) ng mga tao ng San Jose City sa Nueva Ecija habang sila ay nagdiriwang at nagpapasalamat sa kanilang mabuting ani.[3]
Kasalukuyang panahon
baguhinNgayon, ang mga tao ng San Jose City ay nagdiriwang bilang isang malaking pamilya na hindi katulad ng mga naunang araw na hiwalay ang pagdiriwang ng mga tao. Ang pagdiriwang pagkatapos ng ani ay naging pagsisikap na multi-sektoral kung saan pinopondohan at samasamang inihahannda mula sa mga kontribusyon ng publiko at pribadong sektor at ipinagdiriwang ang mga street dancing, beauty contests, turismo at trade fair, paggawad ng mga parangal at mga palabas na sining pangkultura.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Nueva Ecija Festivals". Department of Tourism. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2019-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine. - ↑ "Festivals in Nueva Ecija". Ginto ang Inaani. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-04-16. Nakuha noong 2019-11-20.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2013-04-16 at Archive.is - ↑ "Trade officials upbeat on Ecija SMEs" (PDF). Punto. Nobyembre 23–24, 2011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2016-03-03. Nakuha noong 2019-11-20.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. - ↑ Sy, Junjun (Mayo 12, 2011). "Mga kabataan, nagpatalbugan sa streetdancing sa Pandawan Festival sa Nueva Ecija". GMA News.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
Tingnan din
baguhin- Kagawaran ng Turismo Naka-arkibo 2016-03-04 sa Wayback Machine.
- San Jose City Pagibang Damara 2009
- Website ng San Jose City