Pagkabulag
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatang Pagkabulagat Amaurosis, na matutunghayan sa pahina ng paglilinaw. (Pag-usapan) |
Ang pagkabulag ay ang kalagayan kung saan hindi nakakakita o hindi nakakatanaw ng tama ang mata. Sa larangan ng medisina, tinatawag (ngunit bihira na) itong amaurosis, na nagmula sa salitang Griyegong nangangahulugang "madilim". Sa kahulugang medikal, tumutukoy ang amaurosis sa pagkawala ng paningin o kakayahang makakita na wala namang matuklasang sugat (hiwa o lesyon) sa mata o sa nerbyong optiko (ugat-pandama na pang-mata).[1]
Ang pagkabulag ay inilalarawan ng World Health Organization bilang paningin sa mahusay na mata ng isang tao na kaunti sa 20/500 o isang visual field ng kaunti sa 10 degree.[2]
Mga sanhi
baguhinAyon sa mga pagtatantiya ng World Health Organization(WHO), ang pinakaraniwang mga sanhi ng pagkabulag(hindi kasama ang pagkakamaling repraktibo) sa buong mundo noong 2002 ang:
- katarata (47.9%),
- glaucoma(12.3%),
- Nauugnay sa edad na dehenerasyong makular (8.7%),
- corneal opacity (5.1%), at
- diabetic retinopathy (4.8%),
- pagkabulag sa bata (3.9%),
- trachoma (3.6%)
- onchocerciasis (0.8%).[17]
Ayon sa WHO, ang 90% ng mga bulag na tao sa buong mundo ay nakatira sa mga umuunlad na bansa. Sa mga ito, ang katarata ang responsable sa 65%[3] o 22 milyong mga kaso ng pagkabulag. Ang glaucoma ay responsable sa 6 milyong kaso ng pagkabulag samantalang ang ketong at onchocerciasis ay bumubulag ng mga 1 milyong indibidwal sa mga bansang ito. Sa mga mauunlad o mayamang bansa gaya ng Hilagang Amerika at Kanluraning Europa, ang karamihan ng pagkasira ng paningin sa mga matatanda ay nauugnay sa edad na macular degeneration at diabetic retinopathyeach.[4] Ang pagkabulag sa bata ay maaaring sanhi ng mga kondisyong nauugnay sa pagbubuntis gaya ng congenital rubella syndrome at retinopathy ng pagiging premature sa pagsilang. Ang mga pinsala sa mata na kadalasang nangyayari sa mga may edad na 30 pababa ang pangunahing sanhi ng monokular na pagkabulag o pagkawala ng paningin sa isang mata sa Estados Unidos. Ang mga taong may albinismo ay kadalasang nawawalan ng paningin na marami ay legal na bulag ngunit kakaunti ang aktuwal na hindi nakakakita. Ang Leber's congenital amaurosis ay nagsasanhi ng buong pagkabulag o malalang kawalan ng paningin mula sa pagsilang ng sanggol o maagang pagiging bata. Ang mga kamakailang pagsulong sa genome ng tao ay tumukoy sa ibang mga sanhing henetiko ng mababang paningin o pagkabulag at ang isang gayong halimbawa ang sindromang Bardet-Biedl.
Pangangasiwa
baguhinMaraming mga taong may malalang pagkasira ng paningin ay nakakapaglakbay ng independiyente gamit ang iba't ibang mga kasangkapan at pamamaraan. Ang mga espesyalista ng orientasyon at paggalaw ang mga propesyonal na espesipikong sinanay upang turuan ang mga taong may problema sa paningin na ligtas na makapaglakbay ng independiyente. Ang mga kasangkapan gaya ng tungkod na puti na may dulong pula(na simbolong internasyonal ng pagkabulag) ay maaari ring gamitin upang mapabuti ang paggalaw sa mga taong bulag. Ang ilang mga tao ay gumagamit ng mga asong panggabay upang makatulong sa paglalakbay. Ang teknolohiyang papayag sa mga bulag na makapagmaneho ay kasalukuyang pinapaunlad. Maraming mga taong may problema sa mata ay hindi buong bulag at nakakabasa ng mga nakalimbag na teksto sa regular na sukat o pinalaki ng mga nagpapalaking kasangkapan. Ang iba ay gumagamit ng Braille o nagsasalitang mga aklat o mga makinang tagapagbasa na nagbabago sa inilimbag na teksto sa pagsasalita o Braille. Gumagamit sila ng mga kompyuter na may espesyal na hardware gaya ng mga scanner at mga marerefresh na mga Braille display gayundin ang mga software na spesipikong isinulat para sa mga bulag gaya ng mga optical character recognition application at mga screen reader. Ang ilan pang mga pamamaraan na ginagamit ng mga taong bulag ay kinabibilangan ng: pag-aangkop sa mga barya at mga perang papel upang ang halaga aymatukoy. Sa ilang mga kurensiya gaya ng euro, pound sterling at Indian rupee, ang sukat ng papel ay lumalaki sa pagtaas ng halaga. Ang mga salapi ng Canada ay may isang sistemang nakataas na mga tuldok sa isang sulok batay sa mga selulang Braille. Ang iba pang mga pamamaraan ang paglalagay ng mga iba't ibang uri ng pagkain sa iba't ibang mga posisyon sa plato at pagmamarka ng mga kontrol sa mga kasangkapang pangbahay.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Amaurosis". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 28. - ↑ "WHO | Magnitude and causes of visual impairment". Who.int. 2012-06-21. Nakuha noong 2012-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "90% of visually impaired living in developing world". Who.int. 2012-06-21. Nakuha noong 2012-07-18.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Bunce, C; Wormald, R (2006). "Leading causes of certification for blindness and partial sight in England & Wales". BMC Public Health. 6: 58. doi:10.1186/1471-2458-6-58. PMC 1420283. PMID 16524463.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)