Ang pagkalingat, kalingatan, o distraksyon ay tumutukoy sa anumang bagay o pangyayaring pang-agaw ng pansin o pambaling ng pansin. Maaari rin itong tumukoy sa obsesyon, o kaya sa matinding pagkatuliro o kagulumihanan dahil sa pagkawala, pagkawala-wala, o pagbaling ng pansin mula orihinal na pinagtutuunang bagay patungo sa ibang bagay. Katumbas din ito ng pagkakaligaw ng landas at ng pagkalito.[1] Sa ibang diwa, kaugnay ito ng libangang bagay o aliwan.[2]

Sa larawang ito, isang babae ang nakasuot ng maluwag na damit na halos mababanaagan ng natatakpang katawan. Dagdag pa rito, nakalitaw ang kanyang dibdib, kaya't ang lalaking nasa likuran niya ay nasa kalagayan ng pagkakalingat o pagkakabaling ng pansin ng mga mata sa mga halos litaw na mga suso ng babae. Dahil sa distraksyong ito, hindi napapansin ng lalaking naninilip na magugupit na niya ang kandila, sa halip na patayin ang sindi nito (o sa halip na makakuha ng pagkain mula sa bandehadong nasa hapag). Nagaganap ang eksenang ito habang naglalaro ng baraha o nagsusugal ang mga taong nakapaligid, at habang nangingibabaw din ang hubog ng malaking puwitan ng matabang babaeng nasa gawing ibabang kaliwa ng larawang ito.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Distraction, distract - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Distraction". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Distraction Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.