Pagkalipol

pagkaputol o pagwakas ng isang taxon dulot ng pagkamatay ng hulíng miyembro nito

Sa biyolohiya at ekolohiya, ang pagkalipol (pagkapuo sa Cebuano, o ektinsiyon mula sa Kastila na extinción) ay ang wakas ng isang organismo o isang pangkat ng mga organismo(taxon) na normal na isang species. Ang sandali ng pagkalipol ay itinuturing na kamatayan ng huling indibidwal ng species bagaman ang kakayahan na magparawi at makaahon ay nawala na bago pa ang puntong ito. Dahil ang potensiyal na saklaw ng mga species ay maaaring napakalaki, ang pagtukoy sa sandaling ito ay mahirap at karaniwang isinasagawa ng retrospektibo. Ang kahirapang ito ay humahantong sa phenomena gaya ng Lazarus taxa kung saan ang isang species na ipinagpalagay na namatay ay biglaang "muling lumitaw"(tipikal sa fossil record) pagkatapos ng isang maliwanag na kawalan nito. Sa pamamagitan ng ebolusyon, ang bagong species ay lumilitaw sa pamamagitan ng proseso ng speciation kung saan ang mga bagong uri ng mga organismo ay lumilitaw at yumayabong kapag nagawa nilang mahanap at magamit ang isang ekolohikal na niche. Ang isang species ay nagiging nalipol kapag hindi na sila makapagpatuloy na mabuhay sa mga nagbabagong kondisyon o laban sa superyor na kompetisyon. Ang isang tipikal na species ay nagiging nalipol sa loob ng 10 milyong taon pagkatapos ng unang paglitaw nito [2] bagaman ang ilang mga species na tinatawag na mga buhay na fossil ay patuloy na nabubuhay ng halos walang mga pagbabago sa morpolohiya sa loob ng mga daan daang milyong mga taon. Ang karamihan ng mga pagkalipol ay nangyari ng natural bago ang paglitaw ng Homo sapiens sa mundo. Tinatayang ang 99.9% ng lahat ng species na umiral ay nalipol na ngayon..[2][3] Ang mga malawakang pagkalipol ay relatibong mga bihirang pangyayari. Gayunpaman, ang mga hiwalay na pagkalipol ay napakakaraniwan. Sa kamakailan lamang na ang mga pagkalipol ay naitala at ang mga siyentipiko ay naalarma sa mataas na rate ng mga kamakailang pagkalipol .[4] Karamihan sa mga espesye na nalilipol ay hindi natatala ng pang-aghal na pagaaral. Tinataya ng ilang dalub-agham na maaring halos nasa kalahati ng kasalukuyang umiiral na mga uring-buhay ay maaaring malipol sa taong 2100.[5]

Mga kalansay ng mga iba ibang dinosaur na pinakasikat na pangkat ng hayop na nalipol.
Ang Dodo ng Mauritius na ipinapakita sa isang 1626 ilustrasyon ni Roelant Savery ay kadalasang binabanggit na halimbaw ng modernong Pagkalipol.[1]

Kahulugan

baguhin

Ang isang uri ay itinuturing nalipol kapag ang huling umiiral na kaanib ay namatay. Samakatuwid, ang pagkalipol ay nagiging isang katiyakan kapag walang ng nabubuhay na mga kasapi nito na maaaring magparami at magkaanang upang lumikha ng isang bagong salinlahi. Maaaring isang uri ay maging kasinsadyang lipol kapag kakaunti lamang ang nabubuhay, at hindi maaaring magkaanank dahil sa mahinang kalusugan, katandaan, malawak na pagkakalat sa malaking kalayuan, kakulangan ng mga uring kaanib ng magkaibang kasarian (sa sekswal na pagpaparami ng espesye), o iba pang dahilan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Diamond, Jared (1999). "Up to the Starting Line". Guns, Germs, and Steel. W. W. Norton. pp. 43–44. ISBN 0-393-31755-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 Newman, Mark. "A Mathematical Model for Mass Extinction". Cornell University. May 20, 1994. Retrieved July 30, 2006.
  3. Raup, David M. Extinction: Bad Genes or Bad Luck? W.W. Norton and Company. New York. 1991. pp. 3–6, ISBN 978-0-393-30927-0
  4. Species disappearing at an alarming rate, report says. MSNBC. Retrieved July 26, 2006.
  5. Wilson, E.O., The Future of Life (2002) (ISBN 0-679-76811-4). See also: Leakey, Richard, The Sixth Extinction : Patterns of Life and the Future of Humankind, ISBN 0-385-46809-1