Pagkamakabansa

Ang pagkamakabansa o nasyonalismo[1] ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina[2] o kilusang pampolitika[3] na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan. Ito rin ang ideyolohiyang pampolitika at sentimyento o damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon. Bagamat nakapagpapasigla o nakapagpapanimula ito ng demokratikong pampolitika na pagbabago at repormang pangkabuhayan o pang-ekonomiya, kadalasang kinalalabasan o nagreresulta ito ng labis na katapatan sa isang estado na may tendensiyang maliitin ang isa pang nasyon, kaya't maaaring maging obstakulo o balakid sa pandaigdigang kapayapaan at kooperasyon o pagkakaisa.[4]

EtimolohiyaBaguhin

Ang "nasyonalismo" ay galing sa salitang Latin na "natio" na ang ibig sabihin ay ang "pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit kaysa sambayanan". Dito rin nag-ugat ang salitang nasyon na nangangahulugang "pangkat ng mga indibidwal na nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksiyon sa isa't isa". Batay rito, ang nasyonalismo ay itinuturing na pananaw ng isang indibidwal bilang kasapi ng isang bansa o kaya ay pagnanasa ng isang indibidwal na paunlarin at palakasin ang isang bansa.

Tingnan dinBaguhin

Mga sanggunianBaguhin

  1. Gaboy, Luciano L. Nationalism, pagkamakabansa, nasyonalismo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Gellner, Ernest. 1983. Nations of nationalism. Ithaca: Cornell University Press.
  3. Hechter, Michael. 2001. Containing Nationalism. ISBN 0-19-924750-X .
  4. "Nationalism". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977., Dictionary Index para sa titik na N, pahina 434.