Lagas-dahon

(Idinirekta mula sa Paglalagas)

Ang mga lagas-dahon, lugas-dahon, ngulag-dahon, o hunos-dahon (Ingles: deciduous, nangangahulugang "nahuhulog kapag hinog na" o "maaari o malamang na mahulog") ay ang karaniwang katawagan para sa mga puno o mga palumpong na panapanahong nawawalan (nakakalbo o nababawasan), nalulugasan, nangungulag, o nalalagasan ng kanilang mga dahon, at pati na rin sa paghuhunos ng iba pang mga kayariang panghalaman na katulad ng mga talulot (mga "dahon" ng bulaklak) pagkaraang mamulaklak o magbunga, kapag hinog na, o tuwing panahon ng taglagas. Sa mas tiyak na diwa, ang paglalagas ay ang pagbagsak ng isang bahagi na hindi na kailangan, o paglaglag pagkaraan na magwakas na ang layunin nito. Sa mga halaman, ito ang kinalabasan ng prosesong likas. Ang paglalagas o pagiging desiduoso ay may kahalintulad na kahulugan kapag tumutukoy sa mga bahagi ng hayop, katulad ng nalalagas na mga antler o sungay ng usa,[1] o sa mga ngiping nalalagas, na nakikilala rin bilang ngipin ng sanggol, sa ilang mga mamalya (kabilang na ang mga batang tao). Ang mga halamang o punong lagas-dahon ay kabaliktad ng mga halamang laging-lunti.

Gubat na lagas-dahon sa autumn
Gubat na lagas-dahon sa tag-lamig
Gubat na lagas-dahon sa tag-sibol

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gause, John Taylor (1955). The complete word hunter. A Crowell reference book. New York: Crowell. p. 465.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.