Pagong na panlupa
Ang pagong na panlupa o pag-ong na panglupa (Ingles: land turtle o tortoise) ay isang uri ng maliit na galapago o pawikang may mga paa imbis na palikpik. Nabubuhay ito sa lupa.[1] Ang mga pagong na panlupa, na nakikilala rin bilang mga Testudinidae, ay isang pamilya ng mga reptilyang namumuhay sa lupa na nasa orden ng mga pagong o Testunides. Katulad ng kanilang mga pinsang pandagat, ang mga pawikan o pagong na pandagat, ang mga pagong na panlupa ay isinasanggalang mula sa mga maninila sa pamamagitan ng isang kabibe o kartutso. Ang pang-itaas na bahagi ng kabibe nito ay ang talukab, habang ang pang-ilalim na bahagi ay ang plastron, at ang dalawa ay pinagdurugtong ng isang tulay. Ang pagong na panlupa ay kapwa mayroong isang endoskeleton at isang eksoskeleton. Samu't sari ang sukat o laki ng mga pagong na panlupa magmula sa mangilan-ngilang mga sentimetro hanggang sa dalawang mga metro. Ang mga pagong na panlupa ay pangkaraniwang mga hayop na diurnal o pang-araw ang paggising at pagkilos na may pagkagawi na maging krepuskular o panggabi ayon sa temperaturang pumapaligid. Sila ay pangkalahatang mga hayop na nakaligpit o nakakubli (reklusibo).
Pagong na panlupa | |
---|---|
Geochelone gigantea | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Suborden: | |
Superpamilya: | |
Pamilya: | Testudinidae
|
Genera | |
Chersina |
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
Ang lathalaing ito na tungkol sa Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.