Pagpili ng katalik

Ang pagpili ng kapareha, pagpili ng katambal, pagpili ng maaasawa, pagpili ng kasiping, pagpili ng katalik, o seleksiyong interseksuwal ay isang prosesong ebolusyonaryo kung saan ang pagpili ng isang kapareha o kaparis ay nakabatay sa pagiging kaakit-akit ng kanyang mga katangian. Isa ito sa dalawang mga komponente ng seleksiyong seksuwal o pagpiling seksuwal (ang isa pa ay ang kompetisyon ng lalaki laban sa ibang lalaki o seleksiyong intraseksuwal). Unang ipinakilala ni Charles Darwin ang kanyang mga ideya hinggil sa seleksiyong seksuwal noong 1871 subalit ang mga kasulungan sa mga teknikong henetiko at molekular ay humantong sa pangunahing progreso sa larangang ito kamakailan lamang.

Limang mekanismong nagpapaliwanag ng ebolusyon ng pagpili ng kapareha ang kasalukuyang kinikilala. Kasama rito ang mga tuwirang benepisyong penotipiko, kinikilingang sensoryo o pandama, mga katangiang panukat o indikador (indicator trait), at henetikong kompatibilidad. Ang mga mekanismong ito ay maaaring maganap na magkakasama at maraming mga halimbawa ng bawat isa.

Sa mga sistema kung saan umiiral ang pagpili ng kapareha, ang isang kasarian ay nakikipagtunggali o nakikipagkompetensiya laban sa mga kasaping magkakatulad ang kasarian at ang kabaligtad na kasarian ay mapili (selektibo o maselan sa pagpili ng mga indibidwal na sisipingan). Sa karamihan ng mga espesye, ang mga babae ang mapiling kasarian na umuuri o nangingilala sa loob ng nagtatagisan o nagpapagalingang mga lalaki subalit mayroong ilang mga halimbawa ng binaligtad na mga gampanin (kung saan ang lalaki ang mapili at ang mga nagtutunggali para sa atensiyon ng lalaki ay ang mga babae).

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.