Ang pagpipitagan, pamimitagan o reverensya (Ingles: reverence) ay isang damdamin o saloobin ng malalim na respeto na may bahid ng pagkamangha; pagsamba. [1][2] Ang pagpipitagan ay nagsasangkot ng pagpapakumbaba ng sarili bilang magalang na pagkilala sa isang bagay na itinuturing na mas dakila kaysa sa sarili.

Ang salitang "pamimitagan" ay kadalasang ginagamit sa kaugnayan sa relihiyon. Ito ay dahil kadalasang pinupukaw ng relihiyon ang damdaming ito sa pamamagitan ng pagkilala sa isang diyos, sa supernatural, at sa di-masabi. Gayunpaman, tulad ng pagkamangha, ang pagpipitagan ay isang damdamin sa sarili nitong karapatan, at maaaring madama sa labas ng saklaw ng relihiyon. [3]

Bagama't ang pagkamangha ay maaaring mailalarawan bilang isang napakalaking "sensitibidad sa kadakilaan," ang pagpipitagan ay mas nakikita bilang "pagkilala sa isang sabdyektibo na tugon sa isang bagay na mahusay sa personal (moral o espirituwal) na paraan, ngunit may husay na higit sa sarili". Inilarawan ni Robert C. Solomon ang pagkamangha bilang pasibo, ngunit ang pagpipitagan bilang aktibo, na binabanggit na ang pakiramdam ng pagkamangha (ibig sabihin, pagiging awestruck o namangha) ay nagpapahiwatig ng paralisis, samantalang ang mga damdamin ng pagpipitagan ay higit na nauugnay sa aktibong pakikipag-ugnayan at responsibilidad sa kung ano ang pinipitagan ng isa.

Ang kalikasan, agham, panitikan, pilosopiya, dakilang pilosopo, pinuno, pintor, sining, musika, karunungan, at kagandahan ay maaaring kumilos bilang pampukaw at pokus ng pamimitagan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "reverence". Dictionary.com.
  2. "Definition of REVERENCE". www.merriam-webster.com (sa wikang Ingles). 2024-01-31. Nakuha noong 2024-02-07.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gibbons, Kendyl R. (Hulyo 23, 2012). "Primal reverence". UU World. Unitarian Universalist Association of Congregations. XXVII No. 2 (Summer 2012). Nakuha noong Hulyo 24, 2012. Reverence is an organic human experience that requires no supernatural explanations.'{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)