Pagpuputi ng sagay
Nagaganap ang pagpuputi ng sagay o korales (Ingles: coral bleaching) kapag ipinapalabas ng mga polipo ng sagay ang alga na nakatira sa loob ng kani-kanilang mga himaymay. Karaniwan, sama-samang namumuhay ang mga polipo at alga sa isang relasyong endosimbiotiko, na napakahalaga para sa kalusugan ng sagay at ng bahura.[1] Ang alga ay nagbibigay hanggang sa 90 bahagdan ng enerhiya ng sagay. Patuloy na namumuhay ang mga pumuting sagay ngunit nagsisimulang magutom pagkaputi nito.[2] Gumagaling ang ilang mga sagay.
Ang pangunahing sanhi ng pagpuputi ng sagay ay pagtataas ng temperatura ng tubig.[3] Maaaring magdulot ng pagpuputi ang temperatura na halos 1 °C (o 2 °F) higit sa katamtaman.[3] Ayon sa Programa sa Kapaligiran ng Mga Nagkakaisang Bansa, mula 2014 hanggang 2016, ang pinakatagal na naitalang mga pangyayari sa pagpuputi ay nakapatay ng sagay sa lawak na wala pang katulad. Noong 2016, ang pagpuputi ng sagay sa Bahura ng Gran Barrera ay nakapatay sa pagitan ng 29 at 50 bahagdan ng sagay sa bahura.[4][5][6] Noong 2017, umabot ang pagpuputi sa pinakasentrong rehiyon ng bahura.[7][8] Nangalahati ang balasak na agwat sa pagitan ng mga kaganapan sa pagpuputi mula 1980 at 2016.[9]
Proseso
baguhinAng mga sagay na bumubuo sa mga dakilang ekosistema ng bahura sa mga tropikal na dagat ay dumedepende sa isang simbiotikong relasyon sa mga malaalga at isang-selulang flagellate protozoa na tinatawag na zooxanthellae na naninirahan sa kani-kanilang mga himaymay at nagbibigay-kulay sa sagay. Nagbibigay ang mga zooxanthellae ng sustansya sa sagay sa pamamagitan ng potosintesis, isang mahalagang salik sa mga tropikal na dagat na malinaw at kulang sa sustansya. Kapalit nito, nagbibigay ang sagay ng karbon dioksido at amonyo sa mga zooxanthellae na kinakailangan para sa potosintesis. Ang mga negatibong kalagayan sa kapaligiran, tulad ng di-normal na mainit o malamig na temperatura, pagkasobra sa liwanag, at kahit mga ilang sakit na dala ng mikrobyo, ay maaaring humantong sa pagkakawatak-watak ng simbiyosis ng sagay at zooxanthellae.[11] Upang matiyak ang panandaliang kaligtasan, kinakain o ipinapalabas ng mga polipong sagay ang mga zooxanthellae. Aakay ito sa mas maputi o puting puti na itsura, kaya "pagpuputi" ang tawag dito.[12] Dahil nagsusuplay ang mga zooxanthellae ng hanggang sa 90 bahagdan ng enerhiyang kailangan ng sagay sa pamamagitan ng mga produkto ng potosintesis, pagkatapos ng pagpapaalis, maaaring magsimulang magutom ang sagay.
Nabubuhay ang sagay kung panandalian lamang ang pagkagulo, ngunit kung manatili naman ang mga kondisyon na humahantong sa pagpapaalis ng mga zooxanthellae, nababawasan ang tsansa na mabuhay pa rin ang sagay. Para mabawi mula sa pagpuputi, kailangang pumasok muli ang mga zooxanthellae sa mga himaymay ng polipong sagay at magpotosintesis muli para suportahan ang buong sagay at ang ekosistema na nakadepende rito.[13] Kung mamatay ang mga polipong sagay sa gutom pagkatapos ng pagpuputi, mabubulok ang mga ito. Kalaunan, iiwanan ng mga matitigas ng espesye ng coral ang kai-kanilang kalansay na gawa sa calcium carbonate, na sasakupin ng mga alga, na mabisang paghaharang ng muling pagtubo ng sagay. Kalaunan, guguho ang mga kalansay ng sagay, anupat babagsak ang istruktura ng bahura.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Dove SG, Hoegh-Guldberg O (2006). "Coral bleaching can be caused by stress. The cell physiology of coral bleaching" [Maaaring sanhi ng pagpuputi ng sagay ang kaigtingan. Ang pisyolohiya ng sihay sa pagpuputi ng sagay]. Sa Ove Hoegh-Guldberg, Jonathan T. Phinney, William Skirving, Joanie Kleypas (mga pat.). Coral Reefs and Climate Change: Science and Management [Mga Bahura ng Sagay at Pagbabago ng Klima: Agham at Pamamahala] (sa wikang Ingles). [Washington]: American Geophysical Union. pp. 1–18. ISBN 978-0-87590-359-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Great Barrier Reef: a catastrophe laid bare" [Ang Dakilang Bahura ng Gran Barrera: isang sakunang inilantad]. The Guardian (sa wikang Ingles). Hunyo 6, 2016.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Corals and Coral Reefs" [Mga Sagay at Bahura ng Sagay]. Smithsonian Ocean (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-08-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Coral bleaching on Great Barrier Reef worse than expected, surveys show" [Mas malala pa sa inaasahan ang pagpuputi ng sagay sa Bahura ng Gran Barrera, ipinapakita ng mga surbey]. The Guardian (sa wikang Ingles). Mayo 29, 2017. Nakuha noong Mayo 29, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The United Nations just released a warning that the Great Barrier Reef is dying" [Kalalabas lang ng mga Nagkakaisang Bansa ang babala na namamatay ang Bahura ng Gran Barrera]. The Independent (sa wikang Ingles). Hunyo 3, 2017. Nakuha noong Hunyo 11, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hughes TP, Kerry JT, Álvarez-Noriega M, Álvarez-Romero JG, Anderson KD, Baird AH, atbp. (Marso 2017). "Global warming and recurrent mass bleaching of corals" [Pag-iinit ng mundo at pabalik-balik na malawakang pagpuputi ng sagay] (PDF). Nature (sa wikang Ingles). 543 (7645): 373–377. Bibcode:2017Natur.543..373H. doi:10.1038/nature21707. PMID 28300113.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Mass coral bleaching hits the Great Barrier Reef for the second year in a row" [Natamaan ang Bahura ng Gran Barrera ng malawakang pagpuputi ng sagay sa ikalawang magkasunod na taon]. USA TODAY (sa wikang Ingles). Marso 13, 2017. Nakuha noong Marso 14, 2017.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Galimberti, Katy (18 Abril 2017). "Portion of Great Barrier Reef hit with back-to-back coral bleaching has 'zero prospect for recovery'" ['Walang pag-asa' sa paggaling ang bahagi ng Bahura ng Gran Barrera na natamaan muli ng pagpuputi ng sagay]. AccuWeather.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Abril 2017.
Kapag nakararanas ang sagay ng mga abnormal na kondisyon, naglalabas ito ng lumot na tinatawag na zooxanthellae. Nagpapaputi sa sagay ang pagkawala ng makulay na lumot. (Isinalin ang sipi mula sa Ingles)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hughes TP, Anderson KD, Connolly SR, Heron SF, Kerry JT, Lough JM, atbp. (Enero 2018). "Spatial and temporal patterns of mass bleaching of corals in the Anthropocene" [Mga huwarang espasyal at temporal ng malawakang pagpuputi ng sagay sa Antroposeno] (PDF). Science (sa wikang Ingles). 359 (6371): 80–83. Bibcode:2018Sci...359...80H. doi:10.1126/science.aan8048. PMID 29302011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2019-04-28. Nakuha noong 2020-10-23.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ What is coral bleaching? [Ano ang pagpuputi ng sagay?] (sa Wikang Ingles). NOAA National Ocean Service. Naakses: Enero 10, 2020. Isinapanahon Enero 7, 2020.
- ↑ Lesser, M.P. (2010). "Coral Bleaching: Causes and Mechanisms". Sa Dubinzk, Z.; Stambler, N. (mga pat.). Coral Reefs: An Ecosystem in Transition [Mga Bahura ng Sagay: Isang Ekosistemang Nagbabago] (sa wikang Ingles). Dordrecht: Springer. pp. 405–419. doi:10.1007/978-94-007-0114-4_23. ISBN 978-94-007-0114-4.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hoegh-Guldberg, Ove (1999). "Climate change, coral bleaching and the future of the world's coral reefs" [Pagbabago ng klima, pagpuputi ng sagay at ang kinabukasan ng mga bahura ng sagay sa mundo]. Marine and Freshwater Research (sa wikang Ingles). 50 (8): 839–66. doi:10.1071/MF99078.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nir O, Gruber DF, Shemesh E, Glasser E, Tchernov D (Enero 15, 2014). "Seasonal mesophotic coral bleaching of Stylophora pistillata in the Northern Red Sea" [Pana-panahong mesopotikong pagpuputi ng sagay ng Stylophora pistillata sa Hilagang Pulang Dagat]. PLOS ONE (sa wikang Ingles). 9 (1): e84968. Bibcode:2014PLoSO...984968N. doi:10.1371/journal.pone.0084968. PMC 3893136. PMID 24454772.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)