Pagsalakay sa Paombong

naganap na biglaang pagatake ng mga Katipunero sa mga Espanyol sa pamumuno ni Kapitan Gregorio del Pilar sa isang simbahang Kastila sa munisipalidad ng Paombong

Ang Pagsalakay sa Paombong ay isang naganap na biglaang pagatake ng mga Katipunero sa mga Espanyol sa pamumuno ni Kapitan Gregorio del Pilar sa isang simbahang Kastila sa munisipalidad ng Paombong.

Pagsalakay sa Paombong
Bahagi ng Himagsikang Pilipino
Petsa3 Septyembre 1897
Lookasyon
Paombong, Bulacan, Pilipinas
Resulta Taktikal na pagwawagi ng mga Pilipino
Mga nakipagdigma
Hukbong Pilipinong Naghihimagsik Kaharian ng Espanya
Mga kumander at pinuno
Gregorio del Pilar Ramón Blanco y Erenas
Lakas
3,000 500
Mga nasawi at pinsala
34 nasawi 97 nasawi

Pag-atake

baguhin

Noong ika-3 ng Septyembre 1897, linggo, si Gregorio del Pilar at ang kaniyang 10 na mga kawal ay nagsuot at nagpanggap bilang mga babae. Sila ay naghimpil sa harap ng simbahan bago pa man nagsimula ang misa. Nagulat ang mga sundalong Kastila nang paputukan ang isa sa mga bantay ng mga Katipunero. Pagkatapos ay nagsimula na silang magpaputok sa iba pang mga sundalo. Dahil dito ay napilitang lumikas ang mga Kastila at dahil sa kanilang pagmamadali ay naiwan rin nila ang kanilang mga armas. Naging matagumpay ang mga Katipunero kaya madali nilang nakuha ang mga naiwang mga 14 ripleng Mauser at iba pang mga panustos. Ito'y tinaguriang isa sa mga pinakamatagumpay na mga pag-atakeng naganap noong panahon ng himagsikan.[1]

Kinalaunan

baguhin

Inimbitahan ni Pangulong Emilio Aguinaldo si Gregorio del Pilar na makisali sa panloob na sirkulo ng mga pinunong rebolusyonaryo sa Biak-na-Bato dahil sa kanyang matagumpay na engkuwentro sa Paombong. Matapos ay nataasan na rin si del Pilar ng ranggo bilang Teniyente-Heneral. Siya rin ay nakiisa sa mga pumirma ng Kasunduan sa Biak-na-Bato.

Listahan ng mga tanyag na nakipagdigma sa Paombong[2]

baguhin

Ito ang listahan ng mga tanyag na nakipagdigma sa Paombong:

  • Gregorio del Pilar
  • Juan Fernando
  • Julian H. del Pilar
  • Juan Pugo
  • Inocencio Tolentino

Mga Sanggunian

baguhin
  1. https://drive.google.com/file/d/0B9c6mrxI4zoYR1dEcHdVVjdycU0/view
  2. https://www.angelfire.com/journal2/philippinehistory/katipuneros4.htm