Pagbubuhat ng mga pabigat (ehersisyo)

Ang pagbubuhat ng mga pabigat (Ingles: weight training, weight lifting, o bodybuilding) ay ang pagbibigay ng hubog at hugis sa katawan upang magkaroon at mapanatili ang lakas ang katawan sa pamamagitan ng mga aparatong pang-ehersisyong katulad ng mga pabigat. Lumalaki at lumalakas ang mga kalamnan dahil dito. Kasama sa mga panuntunan ng mainam na pagbubuhat ang pagsunod sa tamang paraan ng ehersisyong napili, ang regular na pagsasanay ng isipan at katawan, ang hindi pagpapasobra sa nararapat (sapagkat nakasasanhi ng lubos na kapaguran ang sobra), paghinga ng tama habang nagsasanay, at pagsunod sa rutina.[1]

Isang lalaking nagbubuhat ng pabigat.
Hugis at hubog ng katawan na sanhi ng pagbubuhat ng mga pabigat.

Isa itong pangkaraniwang uri ng pagsasanay na nagpapalakas upang mapaunlad ang lakas ng katawan at sukat ng mga masel na pambuto. Gumagamit ito ng puwersa ng grabidad (na nasa anyo ng mga barang mabibigat), mga dambel, o salansan ng mga pabigat upang salungatin o kontrahin ang lakas na nililikha ng mga masel sa pamamagitan ng konsentriko o eksentrikong kontraksiyon. Gumagamit ang pagsasanay sa pamamagitan ng mga pabigat ng samu't saring natatanging mga kasangkapan o mga aparato upang puntiryahin ang partikular na mga pangkat ng mga masel at mga uri ng galaw.

Naiiba ang pagsasanay sa pagbubuhat ng mga pabigat mula sa paghuhubog ng katawan, Pang-Olimpikong pagbubuhat ng mga pabigat, lakas-buhat, at "malakas na tao," na mga isports, sa halip na mga uri ng ehersisyo o pagsasanay. Subalit karaniwang bahagi ng rehimen o pamamaraan ng pagsasanay ng atleta ang pagsasanay sa pagbubuhat ng mga pabigat.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0717205088

Mga kawing panlabas

baguhin