Pagtatalik na walang pagpapasok
Ang pagtatalik na walang penetrasyon, pagtatalik na hindi nagpapasok, o pagtatalik na hindi penetratibo ay isang uri gawaing pampagtatalik na hindi kinasasangkutan ng pagpapasok (pagtusok o pagtuhok) sa puki, butas ng puwit, o bibig, hindi katulad ng mas pangkaraniwang pagtatalik na may penetrasyon.[1][2] Tinatanggap ng mga dalubhasa sa medisina ang katawagang pagtatalik na walang pagpapasok. Isa itong gawain ng ligtas na pakikipagtalik at ng pagpigil sa pag-aanak dahil walang nagaganap na pagpapalitan ng mga pluwido ng katawan sa pagitan ng mga magkakatalik. Ang uri ng pagtatalik na isinasagawa sa pagitan ng mga nagtatalik na hindi handa, ay walang kakayahang pangkatawan, o hindi maaaring magsagawa ng hindi angkop na pagtatalik na may penetrasyon, subalit nais pa ring magsagawa ng gawaing pampagtatalik. Ginagawa rin ito bilang isang uri ng paglalaro bago magniig.
Ilang mga uri ng pagtatalik na walang pagpapasok
baguhin- Pagtatalik na pangkili-kili, isang uri ng pagtatalik na walang penetrasyon kung saan ang titi ay ipinapasok sa kili-kili ng ibang tao.[3]
- Masaheng erotiko, ang paghihilot o paghimas sa buong katawan ng tao, may langis man o wala.
- Pagtatalik na kinakamay, ang estimulasyon ng titi sa pamamagitan ng kamay.
- Pagtatalik na pinapaa, ang estimualsiyon ng mga henitalya sa pamamagitan ng mga paa.
- Pagkikiskisang titi-sa-titi, ang pagkikiskisan ng mga titi.
- Pagtatalik na panghita, ang pagpapasok o pagpapagitna ng titi ng isang tao sa pagitan ng mga hita ng ibang tao.
- Pagtatalik na pampisngi ng puwit, ang paglalagay ng titi ng isang tao sa pagitan ng mga pigi ng puwit ng katalik.
- Pagtatalik na pangsuso, ang pagpapagitna ng titi ng isang tao sa pagitan ng mga suso ng kaniig.
- Pagtatalik na pang-utong ng mga suso.
- Pagdadaliri, ang estimulasyon ng puki o butas ng puwit sa pamamagitan ng mga daliri ng kamay.
- Pagtatalik na pambibig, ang estimulasyon ng mga organong seksuwal sa pamamagitan ng bibig, dila, at mga ngipin.[4]
Mga sanggunian
baguhinMga tala
baguhin- ↑ Kate Havelin (1999). Dating: "What Is a Healthy Relationship?". Capstone Press. p. 64. ISBN 0736802924.
{{cite book}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=
- ↑ Isadora Alman (2001). Doing It: Real People Having Really Good Sex. Conari. p. 280. ISBN 1573245208.
{{cite book}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=
- ↑ axillary intercourse - Dictionary of sexual terms
- ↑ Morton, Mark Steven (2003). The Lover's Tongue: A Merry Romp Through the Language of Love and Sex. Insomniac Press. pp. Page 186. ISBN 1894663519.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Basahin din
baguhin- Kama Sutra
- The Perfumed Garden ("Ang Harding Pinabanguhan")
- The Joy of Sex ("Ang Kaaliwan sa Pagtatalik")
- Ann van Sevenant (2005). Sexual Outercourse: A Philosophy of Lovemaking. Peeters. p. 249. ISBN 9042916176.
{{cite book}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=
- Ian Kerner (2004). She Comes First: The Thinking Man's Guide to Pleasuring a Woman. HarperCollins. p. 240. ISBN 0060538252.
{{cite book}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=