Pailong (paraan ng artikulasyon)

Ang pailong (o nasal) ay isang paraan ng artikulasyon (manner of articulation). Ang mga tunog na pailong ay nalilikha sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng hangin mula sa lalamunan papalabas sa ilong. Ang nalilikhang tunog ay nagiging mas ma-ugong dahil ang bibig ay nagsisilbi ring talbugan ng tunog. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagpigil ng paglabas ng hangin sa bibig gamit ang mga bahagi ng bibig. Kadalasang ang mga plosibo o pigil na tunog lamang ang maaaring gawing pailong.

Pailong na patinig

baguhin

Sa ilang mga wika sa mundo, may mga patinig na maaaring gawing pailong ng isang mananalita. Halimbawa, sa Hapones, dahil malawak ang gamit ng morpemang /n/, naapektuhan nito ang mga katabing patinig at nagiging pailong na rin sa proseso.

Halimbawa, ang 専門 "Senmon" /sɛNmoN/ --> Ang patinig na /ɛ/ at /o/ ay nagiging pailong.

Itinuturing din na sonorant ang mga tunog na pailong o ibig sabihin ay sa aktuwal hindi nito pinipigilan ang daloy ng hangin mula sa baga. Sa katunayan, inililihis lamang nito ang hangin at iniiwasang makalabas sa bibig, at pinadadaloy sa ilong.

Pailong na katinig

baguhin

Karaniwan sa mga tunog na pailong ay ang mga pailong na katinig tulad ng /m/, /n/ at /ŋ/. Halimbawa, sa ilang mga wika ng Pilipinas, umiiral ang mga tunog na ito, ngunit ang mga tunog na ito ay nagkakaiba-iba sa punto ng artikulasyon (place of articulation).

  • Ang tunog na /m/ ay nalilikha na pamamagitan ng pagsara ng dalawang labi at pagpapadaloy ng hangin palabas ng ilong hanggang makalikha ng ugong.
  • Ang tunog na /n/ ay nalilikha sa pamamagitan ng pag-ipit ng dila sa gitna ng mga ibaba at itaas na ngipin, at pagpapadaloy ng hangin palabas ng ilong hanggang makalikha ng ugong.
  • Ang tunog na /ŋ/ ay nalilikha sa pamamagitan paglalapat ng likod na bahagi ng dila sa may velum o likod na bahagi ng bubong ng bibig, at pagpapadaloy ng hangin palabas ng ilong hanggang makalikha ng ugong.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.