Pakikipanayam
Ang pakikipanayam o pangagaglugad ng isang impormasyon ay isang paraaan ng pagkuha ng impormasyon o kabatiran nang harap-harapan. Kung nais nating makuha ang kinakailangan nating kabatiran ay pumili ng mga dalubhasa sa kanilang larangan na nagtataglay ng ganap na kaalaman sa nais nating mabatid.
May mga uri ng pakikipanayam ayon sa bilang ng taong kasangkot sa pakikipanayam gaya ng mga sumusunod:
1. Isahan o indibidwal na pakikipanayam - ito'y pagharap ng dalawang tao, ang isa'y nagtatanong na siyang kumakapanayam (interviewer) at ang isa'y kinakapanayam (interviewee). Ang halimbawa nito ay ang pakikipanayam ng isang Guidance Counselor sa isang mag-aaral upang malaman ang personal na datos tungkol sa kanya.
2. Pangkatang pakikipanayam - higit sa isa ang kumakapanayam o kinakapanayam sa uring ito. Ang halimbawa nito ay ang isang mananaliksik na nagnanais makapanayam ang mga tao sa isang nayon tungkol sa kanilang hanapbuhay. Maari niyang pakiusapan ang kapitan ng baranggay na tipunin ang mga tao sa pook na iyon upang kanyang makapanayam sapagkat kung isa-isa niyang pupuntahan ang mga iyon sa bahay-bahay ay malaking panahon ang kanyang aaksiyahin. Isa lamang ang kumakapanayam at marami ang kanyang kinakapanayam.
Maaari namang isa lamang ang kinakapanayam at marami ang kumakapanayam katulad ng isang artistang nagbigay ng isang press conference, maraming mamamahayag ang kumakapanayam sa kanya.
3. Tiyakan at Ditiyakang Pakikipanayam (Directive or Non-directive) - Sa tiyakang pakikipanayam ang mga tanong ang sasagutin nang tiyakan ng kinakapanayam. Kapag nagbibigay lamang ng ilang patnubay na katanungan ang kumakapanayam sa kinakapanayam at nagsasalita nang mahaba ang kinakapanayam, ito'y di-tiyakang pakikipanayam.
4. Masakalaw na pakikipanayam (depth interview) - sa uring ito, ang kumakapanayam ay nagbibigay ng mga tanong na ang mga kasagutan ay mga opinyon, paniniwala, saloobin at pilosopiya sa buhay.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.